SHARKS BILLIARDS ASSOCIATION (SBA) DRAFT PICK SA GATEWAY

ISANG makasaysayang kaganapan ang ikakasa ng Sharks Billiards Association (SBA) sa darating na Agosto 18 kung saan ay naghihintay ang magandang kapalaran para sa mga mahuhusay na bilyarista ng bansa.

SPORTS

Danny Simon

8/1/20241 min read

ISANG makasaysayang kaganapan ang ikakasa ng Sharks Billiards Association (SBA) sa darating na Agosto 18 kung saan ay naghihintay ang magandang kapalaran para sa mga mahuhusay na bilyarista ng bansa.

Ang SBA na kauna-unahang professional billiards league sa mundo ay idaraos ang historic drafting ng mga professional pool players para sa buwenamanong 4 na koponang kalahok sa Season 1 at ito ay gaganapin bandang hapon sa Quantum Skyway , Upper Ground B Gateway Mall 2 sa Araneta City.

" Experience an exciting event as we unveil the four pioneer teams of SBA and witness who will be drafted to play for each team. Be a part of the historic first ever draft of professional players competing in Season 1. The future of billiards is all set to unfold", sambit ni SBA founder/COO Hadley Mariano, dating varsity billiards player turned big local/ international billiards events organizer.