IN GOD WE TRUST
Si Gina Acosta ay hindi istupida
Sa pagtatapos ng testimonya ni SDO GINA ACOSTA ng OVP ay napatunayan ng prosecution na may mga problema ang OVP sa handling, dokumentasyon, liquidasyon ng confidential funds sa OVP kung saan si VP Sara ang head ng ahensiya.
OPINION
ATTY. ARIEL INTON
8/26/20261 min read


Sa pagtatapos ng testimonya ni SDO GINA ACOSTA ng OVP ay napatunayan ng prosecution na may mga problema ang OVP sa handling, dokumentasyon, liquidasyon ng confidential funds sa OVP kung saan si VP Sara ang head ng ahensiya.
Napatunayan ang mga audit violations na maaring mag resulta ng disallowance, reimbursment o administrative liability. Pero sapat na ba ang mga ito para i convict si VP SARA?
Ang sabi ng prosecution ay sapat na daw. Kung sapat na at kumpiyansa sila na ma convict na si VP Sara ay bakit hindi nila i submit for resolution na ang kaso para makatipid tayo sa gastos at matapos na ang trial? At maka pag move on na para sa flood control scam naman ang matutukan.
Sa mga pahayag lang ng prosecution panel nila sasabihin yan dahil alam naman nila na audit violations does not automatically mean that corruption was committed.
Kailangan mapatunayan na may corruption na sangkot si VP Sara at impeachable offense ito.
Pero malinaw na sabi ni Acosta, alam ni VP Sara ang naging proseso sa paggamit ng confidential funds ng OVP. Hindi pa ba sapat yun?
Alam ng prosecution na hindi sapat ang audit violations. Kailangan patunayan na winaldas, kinurakot o binulsa, ninakaw ni VP Sara ang confidential funds. At hindi testimony ni Gina Acosta ang magpapatunay nito. Kaya hindi stupid si Acosta na sumagot ng wala siyang PERSONAL KNOWLEDGE. Hindi tulad ng ibang naunang testigo na para lang mapagbigyan ang sagot na gusto ng ilang senator judges ay sasagot kahit WALANG PERSONAL KNOWLEDGE. Sino ngayon ang stupid na testigo?
Ang makakasagot ng tanong sa paggamit ng confidential funds ay si Col. Raymond Lachica. At sa kanyang pahayag HANDA SIYA TUMESTIGO TO TELL THE TRUTH.
Iprisinta kaya ng prosecution as hostile witness si Lachica?
O ng depensa pag defense evidence na.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
