SI HADLEY AT SBA HURRAY!

TUNAY na naiiba ang isang sports leader na 'Hadley Mariano'.

OPINION

DANNY SIMON

8/21/20242 min read

TUNAY na naiiba ang isang sports leader na 'Hadley Mariano'.

Isang young, energetic, decisive at determined sa kanyang pinamumunuang larangan na isalba sa balag ng alanganin at muling ibalik ito sa glorya ng katanyagang Pilipino ang may kakayahan para sa karangalan.

Ang batang Mariano, isinilang na ginto ang kubyertos bukod sa antigong tako, solid ball at mesa na para sa isang taal na bilyarista, pruweba ang pagiging varsity billiards player niya turned event organizer local and international.

Alam niya na likas na matalas ang Pinoy sa larangan ng billiards na nanggugulat sa America, Europe at Asia na pinaghaharian ng ating mga pool sharks.

Sa dami ng ating talento ay ilan lang ang mga pinapalad na me matatag na pamumuhay dahil na rin sa kakulangan ng mga torneong lalahukan kaya ang ibang mga pambato natin ay antay lang at tengga ang pag-asenso.

Kaya naisip ni Hadley na itatag ang SHARKS BILLIARDS ASSOCIATION (SBA),unang professional na liga sa billiards na play -for -pay.

Halos dalawang taon ang kanyang kumprehensibong preparasyon para pulido lahat ng sistema sa bigtime SBA na ngayon pa lang ay sikat na sa bansa at tanyag na sa international billiads scene.

Nitong nakaraang weekend ay humataw na ang unang sargo sa SBA sa pagdaraos ng bonggang SBA Draft kung saan ay napili ang 20 cream of the crop pool players ng 4 na bigating koponang Quezon City Dragons,Taguig Stallions, Negros Occidental Pillars at Manila MSW Mavericks.

Happy lahat ng na-draft habang may promise naman si Hadley sa mga di pinalad at kanya itong pupulungin para sa iba pang kaganapang tiyak na parating.

Bongga at makulay ang state of the art opening ceremony na konsepto ng isang new generation leader na si SBA President/CEO Hadley Mariano at reliable niyang staffs.

Dumating din bilang suporta sa sina billiards icons Bata Reyes, Djanggo Bustamante, Dennis Orcullo at iba pang billiards celebrities.

Of course ang malaking dahilan ng pagkakaroon ng pro-billiards na SBA sa bansa - ang Games and Amusement Board na pinamumunuan ni Chairman Francisco Rivera,Jr. at sports and games chief Jesucito Garcia.

Sasargo ang SBA sa Setyembre. ABANGAN!