SI MASTER CUEVAS LANG ANG MALAKAS!

YOU can not put a good man down and give credit to whom it is due.

SPORTS

ni Danny Simon

10/22/20253 min read

YOU can not put a good man down and give credit to whom it is due.

Isang NAGSUSUMIKAD na katotohanan na si Master Crisanto Cuevas lang ang NAGSUSUMIKAP at pinaka-aktibong lider ng tradisyunal na sport na SIKARAN sa bansa maging sa ibayong dagat.

Kundi sa kanyang mga inoorganisang kaganapan tulad ng mga torneo sa Tanay sa lalawigan ng Rizal ay magiging isang kuwento na lang ang SIKARAN na noon ay may sikat na larong sariling atin na naglaho na lang dahil sa kapabayaan.

Pero di ito pinayagang mangyari ni Master Cuevas.

Bagama't nirerespeto niya ang isa sa naging haligi ng sport na kinikilala niyang grandmaster na naka-base na sa Estados Unidos, si Cuevas na secgen noon nito ng mahaba-habang panahon ( resigned na kamakailan lang for valid reasons) at di hinayaang manamlay ang SIKARAN na ipinagmamalaķi at minamahal na larangan ng mga taga-Rizal partikular sa bayan ng Tanay.

Itinatag ni Master Cuevas ang Tanay Raven Sikaran na naging lunduyan ng mga kabataan maging adults na entusyastiko sa naturang tradtional sport.

Upang lumawig pa at dumami ang mga manlalaro ng SIKARAN ay nagtayo siya ng training center na isang school for SIKARAN sa kanyang balwarte mismo sa Tanay na isang non - profit na adhikaing madevelop ito nang husto na tunay namang naganap ang asenso ng Sikaran sa Tanay hane sa suporta na rin ng local government unit partikular mula sa Tanjuatcos, Konseho at Tourism.

Dahil sa nakaka-inspire na advocacy for a cause ay lumalaganap na di lang sa Rizal kundi nationwide na ang pagsibol ng mga SIKARAN clubs at naoorganisa na ang mga national open tournaments pati na ang mga dating clubs sa Pasig at karatig ay lalo nang nagpapalakas at naging karibal na ng Raven SIKARAN sa mga bakbakan.

Naging powerhouse ang Tanay Raven Sikaran dahil sa matamang paggiya ni Cuevas narito man o nasa labas ng Pilipinas.

May reliable siyang mga lieutenants sa Raven SIKARAN partikular ang kanyang secgen na si Nicole Catolos na siyang piloto sa operational aspect ng Raven SIKARAN sa timon ni pinunong Cuevas at maging si Konsi Roger ay umaagapay kay Master

Pero sadyang may mga utak- talangka kahit saan.

Di matanggap ng ilang dati nyang kasikaran lalo sa 'Tate ang mga nagagawang mabuti para sa kapakanan ng SIKARAN sa bansa.

Kung anu -ano umanong fakenews at pananabotahe ng mga taong nasasapawan ng mga lehitimong aktibidad ni Cuevas ang mga kumakahol na wala namang ginagawa kundi manghila pababa ng taong mahusay ang gawa.

Wala naman silang resibo na patutunayan dahil sa loob lang ng taong kasalukuyan ay andami nang awards at rekognisyon sa iba't -ibang panig ng mundo ang iginawad kay Master Cuevas dahil sa pagiging natatangi nito sa larangan ng martial arts at organisador ng mga kaganapan sa naturang sport na kanyang pinalawig sa abot ng kanyang kakayahan.

Puro prestihiyoso ang parangal sa kanya mula sa mga pinagpipitagang award- giving bodies na di pa natanggap nang kahit sino sa mga detractors at inggit kay Cuevas.

Pinakamatindi ang ang litanya ni Cuevas na sinasabotahe umano ng mga inggiteros ang paparating na SIKARAN sa Tanay Festival Hane sa Nobyembre kung saan ay sinasabihan ang mga participants sa kaganapan na huwag nang lumahok sa inorganize ni Cuevas katuwang ang LGU.

Kung ako sa inyo( kilala niyo kung sino kayo); paparisan o hihigitan pa ang ginagawa ni Master Cuevas para sa pag-unlad ng SIKARAN dito maging sa buong mundo.Huwag pakamatay sa inggit sa taong nagsisikap na tunay.

Pero malabong mangyari dahil ang ipino-promote ng mga sikaranista kuno ay BASKETBALL sa halip na SIKARAN..Naman-NAMAN!