SIKARAN '26: SI MASTER CUEVAS ANG SAKALAM!
MATAPOS ang mabungang kampanya ng Raven Sikaran nitong nagdaang taon 2025 sa timon ni founder/ president Master Crisanto Cuevas sa kanyang balwarteng Tanay,Rizal na lumawig na sa buong kapuluan hanggang kilalanin na siya sa world stage, mas maaksiyon at umaatikabo ang mga magiging programa nito ngayon 2026.
SPORTS
DANNY SIMON
1/2/20262 min read


MATAPOS ang mabungang kampanya ng Raven Sikaran nitong nagdaang taon 2025 sa timon ni founder/ president Master Crisanto Cuevas sa kanyang balwarteng Tanay,Rizal na lumawig na sa buong kapuluan hanggang kilalanin na siya sa world stage, mas maaksiyon at umaatikabo ang mga magiging programa nito ngayon 2026.
Tampok sa panigurong pangyayari para sa Philippine Olympic Committee (POC)- recognized Raven Sikaran ay ang pagkilala na rin ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Geronimo-backed traditional sport dahil sa mapapabilang na ring event ang sikaran partikular sa grassroot sports development na Batang Pinoy Games bukod pa sa mga countryside sports na Palarong Pambayan, Palarong Panlalawigan na tiket para sa Palarong Pambansa.
Matapos na makumpleto ang requirements na need ng PSC para sa Batang Pinoy Bacolod'26 ay magpupulong na sina Master Cuevas at counterpart sa naturang government sports agency .
Mas bonggang National Open Sikaran Championship '26 at ang pet project ni Master Cuevas na Sikaran Tanay Festival Hane na nasa 5th edition na ngayong 2026 ang pinaghahandaan na ni tropang Cuevas.
Dahil sa sipag at determinasyon ni Master Cuevas na iangat pa ang sport na ikinae- excel ng Pinoy hanggang ibayong dagat, kahit gabundok ang kakalusin ay kanyang gagawin para sa tagumpay ng adhikain at kahit laksang milya ang liliparin ay kanyang tatahakin maiangat lang ang larangang malapit sa puso at tradisyon ng kababayan natin.
Kaya naman buhos din ang mga awards na natanggap niya nitong 2025 mula sa mga prestihiyosong award- giving body sa iba't - ibang panig ng daigdig. Iyan ang kanyang resibo.
Of course kahit gaano ang patunay ng mabuting gawain, meron pa ring kritiko na walang magawa kundi maghanap ng negatibo dahil sinasaniban sila ng sobrang inggit gayong wala namang napatunayan at walang programa ang envious faction.
Kung wala kayong maitulong sa pag-asenso ng Sikaran..watokis na lang..si Master Cuevas lang ang malakas.. SAKALAM!
Lowcut- Lalong dumarami ang mga nagpapa- enroll na kabataan sa Sikaran Training Academy na itinatag ni Master Cuevas sa kanyang balwarte.Kaya nga powerhouse ang Tanay pagdating sa national open championship at kaya gumagaya na rin ang ibang LGU's na suportahan ang kanilang atletang sikaran tulad ng ginagawa ng LGU ng Tanay sa pamumuno ni Mayor RM. Tanjuatco at buong Tanjuatco clan sa lalawigan ng Rizal. Sikaran '26..ABANGAN!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
