IN GOD WE TRUST
SIKARAN: CUEVAS VS BANAAGS?
Nagpaabot ng komunikasyon sa inyong kakorner (Uppercut) ang pinuno ng Raven Sikaran Tanay na si Master Crisanto Cuevas na abala ngayon sa mga aktibidades, kumpetisyon at promosyon ng kanyang grupong World Sikaran na counterpart ng Global Sikaran - nakabase sa Estados Unidos.
SPORTS
ni Danny Simon
2/15/20262 min read


Nagpaabot ng komunikasyon sa inyong kakorner (Uppercut) ang pinuno ng Raven Sikaran Tanay na si Master Crisanto Cuevas na abala ngayon sa mga aktibidades, kumpetisyon at promosyon ng kanyang grupong World Sikaran na counterpart ng Global Sikaran - nakabase sa Estados Unidos.
Ang mensahe ni Cuevas ay bilang reaksyon sa aniya ay banat sa kanyang personahe ng mga anak ni GSF head GM Osias Banaag kaugnay di nila matanggap umano ng patuloy na pagratsada ng popularidad ni Cuevas ng pinamumunuang Sikaran sa bansa at ibayong dagat.
"Lagi nga nila akong binabanatan sa social media, lahat ay bintang sa akin kasi sobrang inggit.Payo ko lang sa mga anak ni GM Banaag, magpasalamat sila at magkakasama na silang mag-aama. Ako ang nagparaya, ako na lang ang umalis para di mahirapan si GM Banaag kasi hirap na siyang manimbang, ayaw nya akong umalis sa organization. Pero yun mga kamag-anak nya sa Pilipinas nang nakausap ko ay natuwa sila sa ginawa ko dahil mag-kakasama na uli silang mag aama .
Pero di ako tinitigilan ng mga anak na siraan sa social media lalo na sa mga natatanggap kong parangal at award, di nila matanggap na malayo na ang narating ko pag dating sa Martial Arts. Eto lang masasabi ko sa mga anak ni GM Banaag, mag-sumikap din sila, patunayang mahal nila ang Sikaran, kumilos sila sa halip na paninira ang ginagawa kasi nila, sila rin ang sumisira sa imahe ng Sikaran .
Huwag nilang hayaang lamunin ng inggit dahil sila din ang nasisira hindi ako. Alam ng mga tao kung ano ang mga nagawa ko para sa Sikaran",wika ng martial arts international multi-awardee, prestigious award- at giving body local and abroad at UK hall of famer Master Crisanto Cuevas ng Pilipinas.
Unsolicited advise ng korner na ito, dapat ipagmalaki ng dugong Pilipino ang nagiging tagumpay ng kababayan partikular sa ibang bayan. Itanghal sa halip na hilahin pababa.
Kung wala na sa inyong paksiyon at may sarili na siyang organisasyon eh puno naman ng aksyon, well and good, ating palakpakan at huwag siraan dahil pride ng Pinoy ang taya diyan.
Magsagawa rin ng mga aktibidad-pang-Sikaran para sa karangalan ng ating bayan. Kung di niyo kayang tapatan ang kanyang tinatamasang pagkilala..eh si Cuevas lang ang malakas!..
SAKALAM!
Lowcut- Open ang pitak na ito sa lahat para sa reaksyon anumang isyung dapat malinawan.
Special birthday shoutout sa suki ng Uppercut, TONITE Policefiles at Gilas News Online na si SG VHERGEL DIVINA ng Mc Donalds Libertad branch sa Pasay City.Araw-araw walang patlang ay may kopya siya ng ating pahayagan.Beke nemen pa- MCDO ke nemen..hehe kkb. HBD!




Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
