IN GOD WE TRUST

SIKARAN FESTIVAL '26 TENA SA TANAY HANE!

MAGHU-HOST ang WSBP Raven Sikaran Tanay ng ikalimang edisyon ng SIKARAN FESTIVAL sa TANAY HANE 2026 sa Nobyembre 15 (Linggo).

SPORTS

DANNY SIMON

11/12/20261 min read

MAGHU-HOST ang WSBP Raven Sikaran Tanay ng ikalimang edisyon ng SIKARAN FESTIVAL sa TANAY HANE 2026 sa Nobyembre 15 (Linggo).

" Mga ka- Tanayans, panoorin ang tagisan ng galing ng mga Batang Sikaran sa bayan ng Tanay at karatig. Tena ipagpatuloy ang tradisyon sa larangan sa ating bayang sinilangan", pahayag ni Tanay Raven Sikaran founding head Mantas Crisanto Cuevas.

Magsisimula ang parada at makukulayan ng pula't puting simbolo ang lansangang tatahakin magmula sa Kabayanan hanggang Tanay Municipal Basketball Court sa Kat-Bayani Tanay, Rizal.

SI Mantas Cuevas na siya ring pangulo ng Tanay Club in America( TCIA) ay nagpahatid ng suportang makatutulong sa ikatatagumpay at pagpapatuloy ng tradisyon partikular sa mga kabataang naging bahagi ng kanilang ambisyon ang larangan ng Sikaran na pinagtibay pa ng Tanay LGU's ng Tanjuatco clan at ng Konseho.

Nagbigay PUGAY din sa kaganapan ang pangulo ng World Sikaran Brotherhood of the Philippines( WSBP) na si G. Meliton Geronimo, Jr.

Samantala,binigyang -linaw ni TCIA chief Cuevas na hindi nila kinokontrol ang TCIAUSA page dahil hangga ngayon ay wala silang access dahil di pa ito naite-turnoveŕ ng dating humawak sa liderato ng samahan ng mga Tanayans sa Estados Unidos.

Ang mga kaganapan ngayon at sa hinaharap ay matutunghayan sa TCIA Official.

Nanawagan din si Mantas ng pagkakaisa ng lahat ng Tanayans sa America.Wagas na pamunuan lang ang hangad ni Cuevas..PUGAY!

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...

Your message goes here