SIKARAN FESTIVAL SA TANAY HANE 2024 TAGUMPAY TO THE MAX
MATAGUMPAY na nairaos ang tradisyunal na okasyong Sikaran Festival sa Tanay Hane 2024 sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal.
SPORTS
Danny Simon
11/12/20242 min read


MATAGUMPAY na nairaos ang tradisyunal na okasyong Sikaran Festival sa Tanay Hane 2024 sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal.
Pumarada ang 99% na miyembro ng Sikaran sa Tanay sa nagkulay pula't puting lansangan ng kabayanan sa saliw ng musikang pang-martial arts na nagdulot ng saya sa Tanayenos sa magandang umagang iyon ng Linggo gayundin ng iba pang dayong sikaran clubs at entusiyastiko mula Metro Manila.
Nagtuloy ang madagundong nà parada sa Tanay Basketball Gymnasium kung saan ay nakaabang na ang sikaran crowd upang saksihan ang makulay na pambungad seremonya at sikaran aksiyon na inorganisa ni Global Sikaran Federation (US- based)top brass at Tanay Sikaran Raven Sikaran founding president Master Crisanto Cuevas.
Tampok ba panauhin ang kilalàng martial arts enthusiast/ public servant at senatoriable Benhur Abalòs na lubos na nagalak sa nakitang entusiyasmo sa naturang sport na mga kabataang Tanayenos.
Bilang suporta sa naturang sport na isinilang sa Rizal,dumalo ang tinaguriang 'Alamat ng Bayan ng Tanay na si Mayor Lito Tanjuatco gayundin sina kasangga ng kabataan Bokal Ding San Juan,Vice Governor JunReý San Juan,councilor aspirant Roger Catolos at Rizal 2nd District Congressman Ding Tanjuatco.


Si Sikaran Raven Tanaý founding president Master Crisanto Cuevas kasama sina Tanay Mayor Lito Tanjuatco (kaliwa ) at espesyal na panauhing si dating world boxing champion Luisito Espinosa.
Successful 3rd Sikaran Festival sa Tanay Hane Nov. 10,2024 @highlight






Matapös ang programa at rumatsada ang individual at team competitions bahagi ng isang araw na sikaran festival.
"Nagpapasalamat ang inyong lingkod sa men and women at sa mga batang atleta natin behind the sucess of our Sikaran Festival sa Tanay Hane partikular sa ating Mayor Lito Tanjuatco at 2nd District Congressman Ding Tanjuatco at iba pa,"pahayag ni Master Cuèvas ng nagbigay ng espesyal nä reekognisyon sa kanilang sorpresang bisita na si dating world boxing champion Luisito Espinosa.
Samantala, ginawaran si Master Cuevas bilang Tanay Achiever's Award kamakalawa sa pormal na seremonya na idinaos sa bulwagan ng Tanay Municipal Hall dahilan sa tagumpay na programa ng Sikaran na nakapagbibigay karangalan sa bayan ng Tanay gayundin sa buong bansa na rin.






Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato