SIKARAN MASTER CRISANTO CUEVAS NG PILIPINAS TATANGGAP NG WORLD'S GREATEST MARTIAL ARTIST AWARD SA TEXAS
OPISYAL nang natanggap ni Tanay Raven Sikaran founder/ head at World Sikaran Federation( WSF) secretary general Master Crisanto Cuevas ang kanyang nominasyon bilang isa sa gagawaran ng parangal ng World Greatest Martial Artist na nakabase sa Sherman , Texas sa Estados Unidos.
SPORTS
Danny Simon
3/22/20251 min read


OPISYAL nang natanggap ni Tanay Raven Sikaran founder/ head at World Sikaran Federation( WSF) secretary general Master Crisanto Cuevas ang kanyang nominasyon bilang isa sa gagawaran ng parangal ng World Greatest Martial Artist na nakabase sa Sherman , Texas sa Estados Unidos.
Ang prestihiyosong kalatas ng pagkilala kay Pinoy martial arts enthusiast- US- based Cuevas (atleta, founder at leader) ay nanggaling mismo kay Grand Master Ted Gambardella.
Nakatakda ang gabi ng parangal para sa mga piling dakilang martial artists sa mundo sa darating na Agosto 16, 2025 sa Texas.
" Isang napakalaking karangalan ang kilalalanin ng isang pang-global na awarding body tulad ng World's Greatest Martial Artist sa isang Pilipinong tulad ng inyong abang lingkod.Patunay lang na kilala na tayo sa larangan ng martial arts sa buong mundo", wika ni Cuevas na nakatakdang umuwi sa Pilipinas sa buwan ng Mayo upang asikasuhin ang mga aktibidades ng kanyang paaralang sikaran para sa mga kabataan sa kanyang balwarteng bayan ng Tanay sa lalawigan ng Rizal na lunan na sinilangan ng tradisyunal sport na SIKARAN.


Gayundin ang paghahanda ng kanyang koponan para sa national tournament at ang napakahalagang itineraryo niya sa pakikipag-dayalogo sa pamunuan ng Philippine Olympic Committee sa misyong opisyal na ring mapabilang ang orihinal na sport ng Pilipino na Sikaran sa national Olympic family.
Ang gawad pagkilala kay Master Cuevas ng WGMA ay lubos niyang pinasasalamatan at inihahandog ang karangalan sa sambayanang Pilipino at martial arts community sa Pilipinas, sa political Tanjuatco icon ng Rizal at LGU's nito at kay WSF founder/ president GM Hari Osias Catolos Banaag.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato