SIKARAN MASTER CUEVAS NOMBRADO SA BLACK BELT HALL OF FAME
WHEN it rain it pours.
SPORTS
Ni Danny Simon
11/8/20252 min read


WHEN it rain it pours.
Nagsimula noong summer ng kasalukuyang taon 2025 ang pagbuhos ng mga prestihiyosong gawad at rekognisyon sa isang taal na Pilipino na alagad ng sining marsyal dahil sa makabuluhang ambag nito sa larangan para sa kabataan sa kanyang bayang sinilangan na lumawig pa sa buong kapuluan hanggang ibayong dagat upang sumikat ang traditional sport na Sikaran.
Si Master Crisanto Cuevas ang founder/ CEO ng powerhouse na Raven Tanay Sikaran sa lalawigan ng Rizal.
Ang kanyang itinatag sa Tanay pati na ang training school ay naging modelo na rin sa buong kapuluan kung saan ay lumawig na ito sa ibang bansa kaya ang kanyang adbokasiya ay kinilala ng buong mundo.
Pinaka-latest sa kanyang international na parangal ay ang tampok na Black Belt Hall of Fame mula UK Martial Arts Hall of Fame.
Si Master Cuevas ay indùctee ng naturang parangal ngayong Nobyembre 9 at ang sertipikasyon ay pirmado nina Bob Sykes at Paul Barnett na may timon sa prestihiyosong kaganapan.
" Thank you UK Martial Arts Hall of Fame for this recognition to yours truly Sikaran master in the Philippines.It's such an achievement for us. Thank you Master Allan Whiteside and Neil Palhe.
Acknowledgment to UK Cobra Sikaran and USaf Martial Arts",sambit ni Master Cuevas na nagsabing sa abot ng kanyang makakaya ay palalawigin pa ang Sikaran sa kanilang balwarte sa suporta ng LGU , Tanjuatco clan katuwang ang mga officers niya na sina atv blackbelt Instructor Sannoel Celestino,Instructor Tyron Reyes and Training Instructor Troy Nagarez kasama mga officers Secretary Nicole Catolos, assistant Secretary Melanie Reyes Finance Officer Dona Cuevas Barlis, assistant Finance officer Winnie Jose,Community Officers Jebigail Custodio at Peace and order Officer Alvin Nagarez kasama din ang demo team na pinangungunahan ni Kyrie Nagarez,Wyne Custodio,Yohan Custodio at Angeluz Jose . "Ang Free Sikaran Basic Training Course ay isa sa advocacy ko na mapalaganap at maturuan ng libreng Sikaran ang lahat ng kabataan sa Lalawigan ng Rizal at mapabilang ang Sikaran sa Palarong Pambarangay,Palarong Pambayan at Palarong Pambansa. Madami dami na ding mga school sa Tanay ang naturuan namin ng Free Sikaran Basic Course partikular sa Bayan ng Jala Jala Rizal sa Punta Elementary School ,"ani pa Cuevas.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09451935742
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato
