SIKARAN MASTER CUEVAS UK HALL OF FAMER

MAGTATAPOS na ang taon 2025 pero may isa pang gawad parangal ang natanggap ng ating kababayan na dangal ng para sa bayan. Ang multi- awardee sa larangan ng martial arts na si SIKARAN Master Crisanto Cuevas, tubong Tanay, Rizal( US- based) ay muling tumanggap ng tampok na award(ikaapat ngayon mula sa international award - giving bodies), this time ay galing sa pinaka-prestihiyosong UK Blackbelt Hall of Fame 2025 kamakailan lang.

SPORTS

ni Danny Simon

12/7/20252 min read

MAGTATAPOS na ang taon 2025 pero may isa pang gawad parangal ang natanggap ng ating kababayan na dangal ng para sa bayan.

Ang multi- awardee sa larangan ng martial arts na si SIKARAN Master Crisanto Cuevas, tubong Tanay, Rizal (US- based) ay muling tumanggap ng tampok na award (ikaapat ngayon mula sa international award - giving bodies), this time ay galing sa pinaka-prestihiyosong UK Blackbelt Hall of Fame 2025 kamakailan lang.

Ang naturang karangalan ay pinaka-inaasam ng lahat nang martial arts enthusiasts sa buong mundo at nakapagtataas-noo bilang Pilipino na parangalan sa pandaigdigang entablado at hirangin bilang hall of famer ang ating kalipi sa larangang kinabibilangan.

" Thank you UK Blackbelt Hall of Fame 2025.Thanks to Master Allan Whiteside, Guru Neil Palmer and Paul Barry.Another achievement for 2025.This is my fourth Hall of Fame award this year at maraming salamat sa mga nominasyon patunay na tanyag na ang ating SIKARAN at aktibidades sa buong mundo!" sambit ni Master Cuevas, founder ng Raven Sikaran Tanay sa Pilipinas.

Nagpupugay ang korner na ito kay kabayan Master Crisanto Cuevas, tunay namang ang sipag, tiyaga,dedikasyon at determinasyon ang pormula upang makilala na eksepsyunal sa mundong ginagalawan at tunay na deserving siya sa bawat gawad - parangal na hinihirang sa kanyang adhikain at adbokasiyang ibinabahagi sa kapwa partikular sa mga kabataan na future ng tradisyunal na Ph SIKARAN.

Inihahandog ni Master Cuevas ang naturang award una sa Maykapal,sa kanyang kababayang Pilipino, pamilya,kaibigan, Ka-Tanayans, taga-suporta, sa Tanjuatco clan (LGU) na laging umaagapay para sa tagumpay at sa kanyang dumarami pang desipulos sa Raven SIKARAN Tanay na araw-araw ay nag-eensayo sa kanyang itinatag na SIKARAN Training Academy mismo sa kanyang balwarte sa Tanay.

Kamakailan din ay matagumpay na nairaos ang 4th Tanay SIKARAN Festival Hane na nilahukan ng mga entusyastiko sa naturang traditional sport mula iba't- ibang bayan na bagama't may mga elementong kritiko at alagad ng inggit na hangad ay biguin at hilahin pababa ang may mabuting gawa ,sa pamamagitan ng pagsabotahe para di matuloy at mapahiya ang nagsisikap na kapwa, pero dì ito nangyari dahil mayorya sa larangan ang bilib kay Master Cuevas kesa iba.Tagumpay ang SIKARAN Festival kaya bumalik siya sa Estados Unidos baon ang successful mission lakip ang pagkilala ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission sa kanyang Raven Sikaran (katunayan ay maimarka na ang SIKARAN sa talaan ng events sa grassroot sports program ng PSC na Batang Pinoy Games 2026.

Inggit pa more ang iilang nais pigilan ang pag-angat pa sa pedestal ni Master Crisanto (walang sinasanto sa mga loko), dating martial arts champion noong kanyang prime.

Lahat ng mga parangal na natatanggap ni Master Cuevas ay may resibo kaya kayong agresibo sa inggit, iwaksi na ang envious manner, makipagkaisa na lang at makipagtulungan para sa ikauunlad pa ng SIKARAN sa ating bayan at ibayong lunan...

ABANGAN!

Lowcut- Special shoutout kay G. Rey Gemzon, Mdam Christine and staffs ng bantog na GEMZON Marbles diyan sa Loyola MC. Feliz Navidad Prospero Año Felicidad!