SIKARAN SPORT LALAHOK SA BATANG PINOY BACOLOD '26
OPTIMISTIKO si Raven Sikaran Tanay founder/ CEO Master Crisanto Cuevas na mapapabilang na ang larangan ng. sikaran sa mga sports discipline na pagtutunggalian sa grassroot sports program na Batang Pinoy National Championship sa susunod na edition sa Bacolod City.
SPORTS
ni Danny Simon
11/14/20251 min read


OPTIMISTIKO si Raven Sikaran Tanay founder/ CEO Master Crisanto Cuevas na mapapabilang na ang larangan ng sikaran sa mga sports discipline na pagtutunggalian sa grassroot sports program na Batang Pinoy National Championship sa susunod na edition sa Bacolod City.
" Kumpleto na ang ating mga dokumento na magpapatibay sa hangarin ng ating Sikaran na maging ganap na NSA sa sanib-puwersa ng World Sikaran at Raven Sikaran na makapaglalaro at tunggalian ng Sikaran na isang traditional sport ng Pilipinas, sa mga Palaro sa bansa na may basbas ng PSC at POC,"wika ni Cuevas.
Kahapon ay nakadaupang -palad ni Master Cuevas si PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy gayundin si Batang Pinoy Project Director PSC Commissioner Olivia Bong Coo kung saan ay natalakay ang estado ng Sikaran sa bansa at luminaw ang tsansa ng naturang discipline dahil pinamumunuan ito ng lehitimong sports leaders na kinikilala ng PSC at POC.
" Although malayo pa ang Bacolod Batang Pinoy, wala namang problema basta't recognized ang asosasyon. Early next year ay sisimulan na ang mga usapin tungkol sa pagpapalakas pa at pagpapalawig ng mga lalahok na koponan sa bawat LGU's", ani Iroy.
Ang Raven Sikaran Tanay na perenyal na kampeon sa national open na nilalahukn ng daan-daang clubs ang lumalahok.
Bukas ay sasambulat na sa aksyon ang mga nagsiparadang sikaran athletes bilang bahagi ng 4th Tanay Sikaran Festival Hane.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09451935742
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato
