IN GOD WE TRUST
SIMON, ABCEDE AT OCAMPO TUMANGGAP NG REKOGNISYON MULA PH SUDOKWAN ASSOCIATION
TUMANGGAP ng kaukulang pagkilala mula SUDOKWAN Association, Inc. ang tatlong personahe sa hanay ng pamamahayag, hukbong sandatahan at corporate sector na pawang mga alagad ng sining marsyal.
SPORTS
7/27/20262 min read


TUMANGGAP ng kaukulang pagkilala mula SUDOKWAN Association, Inc. ang tatlong personahe sa hanay ng pamamahayag, hukbong sandatahan at corporate sector na pawang mga alagad ng sining marsyal.
Ang naturang rekognisyon ay iginawad ni SAI Philippines founder Rene Catalan( 2006 Asian Games Doha wushu gold medalist) bilang pagpapahalaga sa kanilang ambag na responsibilidad na maging instrumental na bahagi sa pagpapalawig ng larangan ng SUDOKWAN na Pinoy ang ang lumikha pero pang - mundo ang destinasyon.
Kinilala si journalist, media relation officer Danilo Simon( Chief Editor ng Gilas News at reporter/ columnist ng Tonite PoliceFiles/ Sakto News bilang SAI Board of Director.
Gayundin ay ni - recognize si businessman/ sportsman( martial arts enthusiast) Michael Abcede bilang National Capital Region ( NCR) Director) at kinilalang bagong National Blackbelt member si Armyman Joed Ocampo sa espesyal na seremonyang isinagawa sa Catalan Fighting System Gym sa Tejeros, Makati City.
" It's an honor to be recognized by this prestigious organization. Gagawin ko ang makakaya upang palawigin tungo sa katanyagan sa pamamagitan ng desiminasyon ng impormasyon ng SUDOKWAN upang maging number one di lang sa Pilipinas kundi pati sa world stage ng sport," wika ni Simon.
Sinabi naman ni Abcede (isang bonafide martial artist mula pa noong 9 anyos siya) na gagampanan niya ang prestihiyosong papel sa pagpapalawig ng SUDOKWAN na sa Pilipinas isinilang kailan lang." Iisa ang ating layunin mula sa founder, co- officials, athletes at coaches na mapalawig natin tungo sa pagiging number one locally at globally in the near future. Asahan niyo yan," ayon naman kay Abcede.
" Misyon ko na mapalawig ang larangan ng SUDOKWAN sa hanay ng AFP na malaking tulong sa kanila ang kaalamang martial arts sa pagtupad ng tungkulin pati sa training. Kaukulang ding matuto ng larangan ang mga kabataan. Teach them young", pahayag naman ni Ocampo na nagpaabot ng taos na pasasalamat kay founder/ Chairman Catalan sa naturang rekognisyon.
Ang espesyal na seremonya ay sinaksihan ng mga SAI officials na sina Brookeshields Imperial, Zander Gregorio,Joseph Ramos Dequina Meamore Dungngo, mga fighters na sina Rene Catalan, Jr. Gabby Gutierrez, Catalan Sibling, Kid Almario at iba pang miyembro ng SUDOKWAN family at Catalan Fighting System. DAS


TINANGGAP nina Sudokwan Association, Inc. PRO / SAI Board Director Danny Simon(ikatlo mula kanan), Armyman Joed Ocampo(Blackbelt) at Michael Abcede( NCR SAI Director) ang certificate of recognition mula kay Sudokwan founder / chairman Rene Catalan( gitna).Nasa larawan din sina SAI officials Brookeshields Imperial, Zander Gregorio at Meamore Dungngo sa seremonyang ginanap sa Catalan Fighting System Makati nitong weekend.
PH SUDOKWAN (SAI) Family
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
