SINA PILANTROPO GOV AT LOYALISTA IMELDA
IN this corner:Mga kabayan,kapulitika, kasyobiz at kaisport, ngayon lang mag-iendorso ang inyong kakorner..Sa Nobyembre 29 ay gaganapin na ang grandeng premiere night ng isang de-kalidad na pelikulang dapat matunghayan ng madlang masa magmula sa laylayan hanggang sa alta sosyedad ng lipunan anumang sekta o kulay na kinabibilangan.
OPINION
11/26/20233 min read


IN this corner:Mga kabayan,kapulitika, kasyobiz at kaisport, ngayon lang mag-iendorso ang inyong kakorner..Sa Nobyembre 29 ay gaganapin na ang grandeng premiere night ng isang de-kalidad na pelikulang dapat matunghayan ng madlang masa magmula sa laylayan hanggang sa alta sosyedad ng lipunan anumang sekta o kulay na kinabibilangan.
Ang LOYALISTA-The Untold Story of Imelda Papin.Mga premyadong artista ng bansa ang starring dito tulad nina ER Ejercito Estregan at Alice Dixzon , Claudine Baretto at Gary Estrada(actor / politician at kaisport natin sa larong baseball na naging player pa ng national team) at introducing dito si Maffi Papin Carrion.Di na natin ikukuwento ang buod ng storya dahil sa titulo pa lang ay alam na nating klasiko ang obra . Ang sandali ng katotohanan ay malalaman na...kaya all roads to MegaMall.. sana all! ABANGAN!
Muling nagkadaupang palad sina Gov.Rafael Agcaoili at former Vice Gov. Imelda Papin (matapos silang mag-meet sa isang awards night sa Pasig) nang bumisita ang music celebrity sa tanggapan at Gilas CLR 45 broadcast studio ng philantropist awardee sa Sucat HQ.
Opkors ay binigyang- nìngning ng pagbisita ng dating juke box queen, music icon at former Vice Governor ng Bicol na si Ms. Papin ang 'Usapang Gilas'special segment na handog nina Gilas News top brass Gov. Agcaoili at Editor-in- Chief na inyong lingkod .
Ang premyadang singer sa bansa na nagpasikat ng mga klasikong awit na 'Bakit' , Isang Linggong Pag-Ibig at iba pa ay nagpahayag ng kanyang mga makabuluhang aktibidad na pinagkakaabalahan sa kasalukuyan, personal at ang patuloy niyang paglilingkod sa kababayan partikular sa Kabikulan bagama't pansamantala ay wala muna siya sa poder.
Kanya ring iprinisenta sa media ang ipino-promote niyang pelikulang LOYALISTA - The Untold Story of Imelda Papin na halaw sa naging buhay niya at paglilingkod ng tapat sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand E, Marcos( SLN). Ang kanyang pagiging loyalista aniya ay di matatawaran hanggang sa Hawaii exile ng dating dakilang pangulo ay kasama siya at kakampi thru thick and thin.
Kaya't isang makasaysayan,
kapupulutan ng aral at tunay na emosyonal na dapat di palagpasin ang pagkakataong panoorin ang makabuluhang pelikula sa derihe ng batikang si Gabby Ramos sa timon ng Queenstar Film Production.
Mga batikan at prized actor and actresses ang nagbigay - buhay sa historic flick LOYALISTA-The Untold Story of Imelda Papin.'
Ang Marcos first couple ay binigyang buhay nina George 'ER'Ejercito Estregan at Alice Dixzon kabituin ang big names sa pinilakang -tabing na sina Gary Estrada at Claudine Baretto habang ipinapakilala dito si Maffi.
Espesyal din ang partisipasyon nina Aileen Papin,Gloria Papin,Bluemark, Zac Papin at Kanisha Santos gayundin si Lheng Divinagracia Gonzales sa papel na Board Member.
" Iniimbitahan po natin ang sambayanan na tunghayan ang pelikulang kapupulutan ng aral at rebelasyon ng mga tunay na pangyayari noon na dito pa lang malalaman ng madla", paanyaya ni Papin
Pinapurihan din ni public servant par excellence Papin ang kabutihang ginagawa ni CLR 45 Governor at GIBFI chairman Rafael Agcaoili thru socio civic services tulad ng libreng konsulta,gamot, pagkain, sa kanilang medical missions na umaabot hanggang sa mga liblib na kanayunang di naaabot ng pamahalaang lokal at nasyunal.
" Truly deserving po kayo kuya Gov sa mga gawad parangal partikular mula United Nations bilang Humanitarian Ambassador Excellence at Philantropist Awardee na kauna-unahang gawad sa Pilipino",ani pa Papin.
Simula't-sapul ay gawain na ito ni Gov .Agcaoili..
ang maglingkod sa kapwa ..BAKIT? Pasalamat niya sa Diyos sa mga biyayang nakakamit sa buhay na marapat lang niyang i- share sa less fortunate nating kapwa.
Something in common, bisyo nila ang serbisyo,down to earth kahit ang tayog nila at parehong kumakanta. Mabuhay si GOV at si VICE GOV!!


Si Gov.Rafael Agcaoili at former Vice Gov singer icon Imelda Papin sa tanggapan ng huli( Raedang) kasama ang mga kuya at ate ng CLR 45 TFOE- Philippine Eagles.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato