Sinag @ 40: BAYABAS KENNEL- LEAP SINILA ANG DON PACUNDO SEALIONS
TINAMPUKAN ng kumbinsidong panalo bago ang holiday break ng Bayabas Kennel-LEAP matapos na silain ang Don Pacundo Sealions, 85- 79 sa elimination round ng Sinag Lakas Kwarenta sa Las Piñas City kamakalawa.
SPORTS
Danny Simon
12/21/20232 min read


TINAMPUKAN ng kumbinsidong panalo bago ang holiday break ng Bayabas Kennel-LEAP matapos na silain ang Don Pacundo Sealions, 85- 79 sa elimination round ng Sinag Lakas Kwarenta sa Las Piñas City kamakalawa.
Ang panalo ng tropa ni head coach Airness Rhei Jordan Alao ang nagpaangat sa kanilang kartada sa 2-5 panalo - talo sa team standing .
Nagbaga ang opensa at lumagkit ang depensa ng Kennel LEAP sa maagang bahagi pa lang ng bakbakan pasimuno ang triumvirate nina Anthony Cuevas, Eric Damian at ex-pro Braulio Lim kaagapay din sina Ariel Caranog, Gene Boy Ramos at combined efforts ng koponang Bayabas.
Bagama't mga beterano na sa giyera sa hardcourt ay naiimplementa nang husto at wasto ang gameplan ni batang coach Alao upang angklahin ang mapanganib na Sealions hanggang dulo tungo sa panalo .


Ngayon pa lang ay planado na ng dating varsity player ng AMA Titans sa NCRAA at Jose Rizal University Bombers sa NCAA , ang kanyang istratehiya sa malakas na katunggali sa pagpasok ng susunod na round matapos ang Christmas break.
"Bali ang strategy po namin against strong opponent come quarterfinals is to use their weakness against them para magkaroon kami ng chance kontra kalaban," pahayag ni player-coach- broadcaster Alao - anak ni dating commercial basketball icon at kasakukuyang presidente ng Sinag Liga Asia Ray Alao.
"Gusto ko pong pasalamatan lahat ng sumusuporta sa Bayabas Kennel - LEAP at sa Sinag Liga Asya at sa ating basketball fans. Lahat po ng effort nyo sa panonood at pag - cheer ay napakalaking drive sa amin to do better. I thank my gf (inspiration) po for always watching and supporting! Salamat po kina boss Marlon Recoter, ma'am Mhy Recoter and Atty. Sampang sa kanilang support sa team thru thick and thin. Sana ' tuluy-tuloy na at maging tradisyon na ang wagi in our future games," sambit ng batang (coach) Alao.
Coach Airness Rhei Jordan Alao
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato