Sinag Lakas Kwarenta... TEAM DON PACUNDO SEALIONS BABALASA NG PLAYERS NITO
DISMAYADO ang pamunuan ng Don Pacundo Cavite Sealions na kalahok sa ongoing Sinag Lakas Kwarenta na patorneo ng Sinag Liga Asya.
SPORTS
Danny Simon
12/1/20231 min read


DISMAYADO ang pamunuan ng Don Pacundo Cavite Sealions na kalahok sa ongoing Sinag Lakas Kwarenta na patorneo ng Sinag Liga Asya.
Matapos ang close overtime loss ng Tropang Caviteño ni Sealions team owner / coach Jemuel Laron kontra IGT noong Lunes,naramdaman ng management na hindi ganoon ang magiging outcome ng laro kung 100% to win ang ilan sa kanyang manlalaro at walang impluwensiya mula sa outside force.
" Tanggap naman namin anumang resulta ng laro basta fair and square,"pahayag ni Laron na binigyang diin na ang kanilang koponang Sealions ay matagal nang sumasali sa ligang komersyal sa Maynila kaya alam nya na kung ' something fishy' sa team o sa mga nagpapaliga.
"Magkakaroon kmi ng revamp bago ang laro namin sa December 8, at least 5 of them ang mababalasa.
We 'll get players that are willing to win .Kahit magaling kung wala sa puso ang manalo o kaya ay nadidiktahan ng mga maimplwensya sa liga ay wala silang lugar sa Sealions," ani Laron na aminado ring mahirap tapatan ang mga kakumpitensya pagdating sa resources pero pag puso ang pinag-uusapan ay laban lang hanggang dulo dapat ang kaniyang koponan at special mention niya si Aris Tubla.
Ang Don Pacundo Sealions ay nasa timon nina team managers Francisco Ocampo at Dean Banzon , co- owner sina Catherine Laron Ryan Dalosa. Kaagapay na bench tactician ni coach Jemuel sina Danny Billones,Dwight Manuel at Ryan Rodriguez.
" Sumali kami dito sa Sinag kasi alam ko mas angat ito kumpara sa ibang liga. Habang nasa tour nga ako sa ibat- ibang bahagi ng mundo bago ako nakauwi ay mas malakas ang dating ng Sinag sa international", saad pa ni Laron na tiniyak niyang motibasyon sa Sealions ay 'play hard to win at dapat ay convincing para walang puwang ang anumang balak.Kumbaga sa boxing, knockout agad para walang hometown at judges' decision."
Ang Sinag Liga Asya ay pinamumunuan nina chairman Rocky Chan at president Ray Alao at iniisponsoran ng IGT.
SEALIONS team owner/ coach Jemuel Laron sa panayam.( Menchie Salazar)
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato