Sinag Liga Saya @40... DON PACUNDO SEALIONS, MALOLOS REPUBLIC AT IGT WARRIORS PANALO
NAGTALA ng ikalawang sunod na panalo ang Cavite Don Pacundo Sealions at wagi rin ang Malolos Republc at IGT sa triple header elimination round ng Sinag Liga Saya Kuwarenta kamakalawa sa San Andres Gym, Malate, Manila.
SPORTS
Danny Simon
11/7/20231 min read


NAGTALA ng ikalawang sunod na panalo ang Cavite Don Pacundo Sealions at wagi rin ang Malolos Republc at IGT sa triple header elimination round ng Sinag Liga Saya Kuwarenta kamakalawa sa San Andres Gym, Malate, Manila.
Nilantakan ng Sealions nina Jimwell at Katherine Laron ang GDL ,95-77 sa pangunguna ni player of the game Dexter Gobis sa kanyang best perfomance na 27 puntos katuwang sina Mark Marcos ( 18) at Aris Tuble (13).
Nauna dito, ibinuhos ng Malolos Republic ang buong lakas nito upang tatakan ng talo ang Tatak Gel,92-83 sa bidang laro ni player of the game Virgilio Catequista na naglista ng 24 pts ,6 assists at 3 steals.Kaagapay niya si Jayson Custodio na may 19 habang 17 naman kay Kenneth Santiago.Ang halftime score ay 45- 42.
Sa nightcap ng ligang inorganisa ng Sinag Liga Asya sa pamumuno nina Chairman Rocky Chan, Pres.Ray Alao, Executive Director Leo Isaac at Commissioner Rodney Santos, dinaig ng Integrated Green Technology ( IGT) ni coach Jerome Ejercito ang brigadang Bayabas Kennel,92-85 pasimuno si best player Roel Capati na may 24 pts,11 rebounds ,5 assists at 1 steal na inagapayan nina Ryan Pangilinan(13) at Jeff Paraiso (12).
Mahigpit ang laban sa unang dalawang quarter kung saan ay tabla sa 40 all ang halftime score.
Ang IGT Warriors ni coach Jerome Ejercito na nagtala ng buwenamanong panalo sa Sinag Liga Saya Kuwarenta sa San Andres Gym sa Maynila.( Menchie Salazar)
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato