Sino ang Greatest Of All Times o GOAT sa sports?
Ito ay isang debate na walang katapusan. Tulad na lamang sa NBA - Michael Jordan o Lebron James. Pero ang Kareem Abdul Jabbar, Larry Bird, Magic Johnson at maraming iba pa ay hindi ba makokonsidera na mga GOAT?
SPORTS
Atty. Ariel Inton
9/6/20241 min read


Ito ay isang debate na walang katapusan. Tulad na lamang sa NBA - Michael Jordan o Lebron James. Pero ang Kareem Abdul Jabbar , Larry Bird , Magic Johnson at maraming iba pa ay hindi ba makokonsidera na mga GOAT?
Ang 'Greatest Of All Times' ay hindi dapat sa isang atleta lang dahil iba- iba ang panahon ng kanilang kasikatan o circumstances ng kanilang paglalaro.
Darating ang panahon ay mas maraming magagaling na basketbolista na sisikat at sa panahong iyon ay GOAT din sila.
Pero sa ibang sports may mga GOAT ang Pilipinas na makokonsidera tulad nila Efren Bata Reyes sa billiards, Manny Pacquiao sa boxing at Paeng Nepomuceno sa bowling .
Ganoon pa man may darating din na mga atleta na maaring kasing-husay nila o mas magaling pero hindi mababawasan ang pagka -GOAT ng mga ito.
Sa Philippine Basketball Association pingtatalunan kung ang GOAT ay si Mon Fernandez o Junemar Fajardo. Paano naman ang Bogs Adornado, Avin Patrimonio at iba pa.
Pero sa panahon wala pang PBA ay meroon na tayong Caloy Loyzaga, Lauro Mumar, Jimmy Mariano at iba pa.
So ang GOAT is an unending debate ng mga sports fan.
Pero maari natin pagkasunduan na lahat ng mga players na umukit ng kanilang kasaysayan ay GOAT in their own right.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato