SLP Migh-TYR Warriors swim fest sa RMSC sa Abril 27

IDARAOS ng Swim League Philippines (SLP) ang Migh-TYR WARRIORS 2024 Short Course Meet sa April 27 sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

SPORTS

Danny Simon

4/25/20241 min read

IDARAOS ng Swim League Philippines (SLP) ang Migh -TYR WARRIORS 2024 Short Course Meet sa April 27 sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Sa pakikipagtulungan ng Central Northern Luzon CAR Swimming Coaches Association (CNLCSCA) at Manila International Alliance of Swimming Coaches United (MIASCU), ang isang araw na torneo ay bahagi ng grassroots sports development program na nakaayon sa programa ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI).

Laan ang torneo sa mga Kabataan maging anuman ang kinabibilangang swimming club at organisasyon. Nakalinyang paglabanan ang mga dibisyon sa Class A, B, C at D.

“Show your best and be the next TYR PH Brand Ambassador,” pahayag ni SLP president Fred Ancheta.

Sa mga interesadong lumahok, maaring ipadala ang entry sa ollyflame@yahoo.com o sa swimleaguephilippines@gmail.com. Makipag-ugnayan din sa mobile no. 09178147729 at 09177140077 (Swim Philippines Secretariat).