SM PICKLEBALL POWER TOUR NI FIL- AM LAUREN MERCADO DINAGSA SA MOA

PATULOY ang pagsikat ng larong pickleball sa bansa at dumaramì pa ang nagkakahilig na kabataan na subukan ang larangan.

SPORTS

Danny Simon

4/12/20251 min read

PATULOY ang pagsikat ng larong pickleball sa bansa at dumaramì pa ang nagkakahilig na kabataan na subukan ang larangan.

Inihandog ng SM PICKLEBALL ACTIVE HUB ang pickleball clinic para sa beginners, exhibition games ng mga eksperto na sa laro kabilang na ang sumisikat na ring pickleball player na Filipina American Lauren Mercado kasabay na rin ng meet ang greet ng mga lahat nang pickleball enthusiasts sa Music Hall ng SM Mall of Asia kahapon.

Meet & Greet@ SM MoA pickleball hub.(Menchie Salazar)

Ang mabulas na 16-anyos na manlalarong mestisang si Lauren Mercado na nakabase sa Los Angeles, California, USA ay kasalukuyang nasa bansa para s kanyang SM Pickleball Power Tour na nagsimula sa Mall of Asia kasunòd ang mga piling SM branches partikular sa Maynila at karatig.

" I enjoyed exchanging paddlewielding game with potential young players here.It's not just play for fun, they're competitive", wika ni Lauren na aktibo sa paglalaro ng pickleball sa L.A. at premyado nang manlalaro lalo ngayong gumagaganap na siyang ambassadress ng larong pickleball. " Thanks SM for the opportunity."

Wish din ni Mercado na katawanin ang bansa sa mga hinaharap na international competitions.

Exhibition pickleball games @ SM MoA. (Menchie Salazar)