IN GOD WE TRUST
SOMETHING IN COMMON NI LIM AT TANCOTIAN
ALAM nyo bang may something in common sina Richard Lim at Paolo Tancotian?
SPORTS
DANNY SIMON
7/9/20262 min read


ALAM nyo bang may something in common sina Richard Lim at Paolo Tancotian?
Kapwa sila lider ng national sports association (NSA) at kapamilya ng Philippine Olympic Committee (POC) na pinamumunuan ni President Abraham ‘Bambol Tolentino, pareho silang suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) sa liderato ni Chairman Patrick 'Pato ' Gregorio sa pinansiyal na aspeto.
Ang kanilang NSA ay parehong martial arts o combat sports, Karate ang kay Lim habang Sambo naman kay Tancontian.Katatapos din ng kanilang ini-host na dambuhalang International championship na nilahukan ng sports powerhouse nations mula Asia, Europa at America. Nagpakitang-gilas ang kani-kanilang mga pambatong atleta at umani rin ng mga medalya para sa Pilipinas.
Milyones ang pondong nagasta para sa pagiging punong - abala na ang ganansiya ay karanasan, kakayahang mag- host at pasiglahin ang Sports Tourism.
Full coverage sila ng foreign at local sports media partikular ang PSC-POC Media Group na full force ang blow -by-blow ng pagkober sa ilang araw na kampeonato kahit tingnan nyo pa ang ATTENDANCE araw- araw.
Pareho ba silang TFYC (Thank You For Coming o Thank You For Covering)?
Di Naman siguro nakakaLIMot si Ricky at alam ni Tancotian yan …ABANGAN!!!
***********
NASAAN ANG PINAGAWANG MOTOR ?
IPINARATING sa UPPERCUT ang mistulang bangungot na karanasan ng isa nating suki sa POLICE FILES Tonite Newspaper at Gilas.
Si JPP ay isang kawani ng kumpanya sa Sta. Mesa kung saan ang kanyang hinuhulugang motorsiklo na gamit niyang pampasok sa trabaho ay nagkaroon ng problema kaya ipinagawa niya ito sa isang motor shop sa Mandaluyong.
Dahil mayroong di inaasahang problemang pampamilya sa kanyang lalawigan ay natagalan bago niya kunin ang pinagawang motorcycle (HONDA ).
Pero laking gulat niya nang kanyang kukunin at babayaran ang pagkumpuni ng motor ay sinabi sa kanya ng may ari ng talyer na inabandona nila ang motorsiklo sa kalsada at di na alam kung towing o tao ang kumuha nito dahil nakakaabala na raw ang motor sa kanilang pwesto.
Hanep ang palusot ng may -ari ng shop at siya pa umano ang galit sa customer dahil sa matagalang pagkuha ng pinakumpuning motorsiklo.
Mukhang me sariling bend the law ang me ari ng shop. Imagine, pag di nakuha agad ang pinagawang unit ay iaabandona ito o kaya’y ibebenta ng sinoman.
Mamang shop owner, kargo niyo ang ipinagawang motor at sagutin kapag nawala ito.
Simpleng batas lang yan kaya pananagutan niyo ang unit na nawala sa puwesto niyo kung totoo ngang nawala ayon sa inyong pagkasabi kay JPP. Mga ka-Uppercut, sino mang makakakita ng nawawalang Winner X Red with plate# N283BW ay mangyari lang na ipagbigay alam sa Barangay IBABA sa Mandaluyongna sumasakop sa naturang talyer. MISMO!




Tancotian
Lim
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
