SONA ALL!

STATE OF THE NATION (SONA) address ni Pangulong Bongbong Marcos ngayon kasabay ng pagbubukas ng panibagong tsamber ng Congress (Mataas at Mababang Kapulungan).

OPINION

Danny Simon

7/21/20242 min read

STATE OF THE NATION (SONA) address ni Pangulong Bongbong Marcos ngayon kasabay ng pagbubukas ng panibagong tsamber ng Congress( Mataas at Mababang Kapulungan).

Ang tradisyunal na SONA ng pinuno ng estado ay isang seremonyang pagharap sa Mamamayang Pilipino upang ipaalam ang kasalukuyang kalagayan ng ating nasyon sa loob ng isang taong pinamunuan na bahagi ng termino ng administrasyon.

Sa kanyang pagre-report sa bayan ay katabi niya ang Senate President at House Speaker na pasimunong papalakpak sa bawat magagandang bagay na nagawa na isisiwalat ng Pangulo boladas man o totoo.

Diyan eksperto ang ating Presidente, ang magtalumpati ng ng mga mabubulaklak na kataga na kahit walang kodigo ay sapul niya ang mensahe na pawang positibo ba (?) na kung wawariing mabuti ay madalas na suntok sa buwan, malayo sa katotohanan at mga pangakong napako lamang.

Of course walang lider na di naghangad ng para sa ikabubuti ng bayan.

Kaya sa bawat iulat ng Pangulo na umaasenso na ang Pilipino sa lahat ng aspeto ng buhay ay walang humpay ang palakpak sa buong galeriya ang maririnig at nirerekord pa ito para sa kaalaman ng balana.

Sa nakaraang dalawang taong SONA ng pangulo ay tigib ng pangako ang talumpati niya sa sambayanan na patuloy na umaasang isang tunay na workaholic president ang ama ng ating bayan.

Pangatlong SONA na ngayon,resulta ng pag- unlad ang ating hangad. Huwag nang ibalik ang karimlan noon at ang mga buwitreng unti-unting nakakapwesto sa kapangyarihan.

Huwag sanang iilan lang ang magtamasa ng biyaya sa kabuhayan habang lumalawak ang sakop ng pagdarahop sa bayan ni Juan.

At isang masigabong palakpakan ng mamamayan kung pagtatapat niya sa Sambayanan kung siya nga ang tunay na namamalakad sa bansa na kanyang mandato na kaloob ng tao.

Ang presidente lang ang may timon na mamuno sa ating nasyon at walang anumang karapatang makialam ang sino mang walang mandato mula sa tao.Sana sa SONA, manindigan na..ABANGAN!

Lowcut: Sa nakaraang dalawang taong SONA ni PBBM ay kanyang binigyan ng mportansiya, kapaliwanagan,inatasan ang mga aspetong may mga kakulangan, pinuri ang mga departamentong nagtrabaho ng husto para sa bansa maliban sa larangan ng SPORTS na nakapagbibigay ng karangalan sa bayan at nagpapatanyag sa Pilipinas. Sa SONA ngayon, SANA ALL!