IN GOD WE TRUST
Southridge humataw ng kasaysayan sa UAAP HS baseball '88...OKEY KA PAREF KO!
HUMATAW ng kasaysayan ang PAREF Southridge junior baseball team matapos dominahin ang De La Salle Zobel,11-1 sa game 2 best of 3 finals ng Season 89 UAAP High School baseball Championship nitong Lunes sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.
SPORTS
Ni Danny Simon
2/24/20261 min read


HUMATAW ng kasaysayan ang PAREF Southridge junior baseball team matapos dominahin ang De La Salle Zobel,11-1 sa game 2 best of 3 finals ng Season 89 UAAP High School baseball Championship nitong Lunes sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.
Ang pambihirang tagumpay ay naukit sa kasaysayan ng UAAP junior baseball event bilang kauna- unahang guest team na nagkampeon sa torneo via sweeping fashion kontra DLSZ Junior Green Batters.
Ang Southridge Admirals ay nasa balag ng pagtalsik sa eliminations pero nakabalikwas ito hanggang sa ma- oust nila ang NU juniors 8-3 tungong finals.
Binigyang - diin ni Southridge head coach Bocc Bernardo na ang tiwala at kumpiyansang magtatagumpay ang siyang susi sa kanilang buwenamanong kampeonato.
" The important thing I told them from the last game, there was nothing yet to celebrate.Just to make it short.The hardest game to win is the close out game", ani Bernardo ,dating Southridge standout at catcher ng Ateneo noong uAAP Season 79 championship run.
Naunahan ng isang run ng JR Green Batters, rumatsada ang PAREF squad sa 4th frame at mula doon ay di na lumingon pa patungong makasaysayang tagumpay na pinatingkad ng steady performance sa mound ni starting pitcher at eventual finals MVP Arniel Belgar.
Instrumental din ang eksplosibong laro nina Joaquin Salvador at Mark Genota( Most RBI's) at best hitter JC Basares para maabot ang milestone na tinatak ng Paref Southridge Boys.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
