IN GOD WE TRUST
SP CAYETANO WILL WIN
SIMPLE arithmetic.13 ang lucky number.
OPINION
DANNY SIMON
6/14/20262 min read


SIMPLE arithmetic. 13 ang lucky number.
Trese Senadores ang nagluklok kay Sen. Alan Peter Cayetano bilang presidente kaya labing- tatlo rin ang makakabaklas sa kanya sa trono ng Upper Chamber.
Ipinagpipilitan ng dose bloke na sila ay may quorum kahit ito ay kolorum.
Inaagaw nila ang highest post sa Senado upang mapagtakpandaw na sumingaw ang ang sigaw ng bayan na panagutin ang mga tungaw na kasabwat sa pinakaklasiko na iskandalo sa bansa na lumimas sa dike ng salapi ng bayang natuyuan dahil sa flood control scam.
Sayang dahil ang pinagpipitagang Senador Win Gatchalian noon ay nakipagkampihan sa grupong dating magkakalaban, nagbabanatan at nagmumurahan nakaraan pero ngayon ay sandosena silang magkakasangga para makontrol ang pagbaha o daluyong ng galit ng tao na panagutin ang mga palalo hanggang ulo.
Magpaplastikan ang tropang Gatchalian na sleeping with the enemy na ang laro ay marumi para lang mabraso ang liderato sa impluwensya din ng Palasyo na kung saan naroon umano ang linsyak na master- utak ng lahat.
Dalawa ang paksyon ng liderato sa Mataas na Kapulungan, sabi nga ni SPAPC ay may Senado ng mga konyo sa Palasyo at Senado ng mamamayang Pilipino.
Kung maipipilit ng Win bloc ang desisyong di naaayon sa Konstitusyon or may sumunod kay Hudas na Hestas o Barabas dahil sa takot makulong pamblakmeyl ang mga sinampang kaso ay sige lang kung maaatim ni Win ang mamuno ng hinog sa pilit pero olats pa rin kayo sa mayoryang Pilipino na hangad lang ay hustisya kapag naibalik ang pera ng bayan.
Pero pansamantala lang ang misteryo ng tuwa ng mga kawatan.
Lilitaw din ang katotohanan at mananaig ang kabutihan kontra kabalintunaan. Dahil habang kinokober- up ang krimen sa mamamayan ay lalo lamang nababaon sila sa kumunoy ng kaparusahan at di na makaahon sa pagkalunod sa salaping kinamkam na pinaghatian kahon- kahon at male- maletang bilyones hanggang trilyones na pinagpasasaan ng iilan sa halip na taumbayan ang nakinabang.
Bottomline, winner pa rin si Cayetano diyan sa pinamumunuang krusada ng dose bravos dahil nasa kanilang likuran ang simpatiya ng mamamayan…ABANGAN!!!
LOWCUT- Susunod sa ating ia- Uppercut ang BENDALO VS MAGDALO, MARCOLETA KONTRA MALETA AT SUPREMO BUMUNOT KA NA! Special shoutout kina Ms Beverly at Ms Joy jan sa Upper Bicutan. Yummy ang kanilang espesyal na breakfast sa kanilang mga suking maaga ang pasok sa work o office. AlmusALL!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
