Sports and Tourism

Ang mga sports event ay isang mabisang paraan para ma-promote ang turismo ng isang lugar.

SPORTS

Atty. Ariel Inton

8/28/20241 min read

Ang mga sports event ay isang mabisang paraan para ma promote ang turismo ng isang lugar.

Tulad na lamang ng olympics, milyun -milyon ang sumusubaybay dito. Nagpupunta sa host country at siyempre hindi lang yun laro ang pupuntahan nila kung hindi pati ang mga tourist spots nito.

Tingnan mo lang sa Paris ang five rings olympics sign ay nasa Eiffel Tower.

Ang 2028 Los Angeles Olympics ay sa sign ng Hollywood ito inilagay ni Tom Cruise. Noong konsehal ako ng Quezon city ay may proyekto ako na Chess match nila Eugene Torre at Rogelio Antonio kung saan idinaos sa mga tourist spots ng Quezon City. Ang Philippines vs the World billiards tournament at iba pa.

Napakadaming lugar sa Pilipinas ang maaring ma-promote ng sports. Hindi man kasing laki ng Olympics pero makaka- enganyo ng pagpunta ng mga atleta at turista sa buong mundo. Marathon, Archery Cycling , Gymnastics at marami pang iba. Noong ginawa sa Araneta Coliseum ang "Thrilla in Manila' tampok sila boxing legends Muhammad Ali at Joe Frazier ay buong mundo ang sumubaybay dito.

Mayaman ang Pilipinas sa mga magagandang tanawin. Magdaos sana ang mga lokal na pamahalaan ng mga sports events nila at doon ay magandang simula na ng sports tourism sa kanilang mga lugar.

Kapag inisponsoran ng mga interesadong negosyante ang expenses at tulong ng national government ay hindi malayong magiging masigla ang sports tourism sa bansa.