Sports at Entertaiment

Marami ang nagsasabi na wala sa lugar ang pagkahumaling ng mga Pilipino sa basketball.

SPORTS

Atty. Ariel Inton

8/26/20242 min read

Marami ang nagsasabi na wala sa lugar ang pagkahumaling ng mga Pilipino sa basketball.

Never naman daw tayo mananalo sa Olympics.

Pero there was a time ng panahon ni Carlos " the big difference " Loyzaga na third place tayo sa world basketball noong 1954. Sa Asian games ay lagi champion ang Pilipinas (at muling nabawi ng Pilipinas ang gold sa Asian games after 50 years). Fifth place ang Pinas sa 1936 Olympics. Pinakamataas na narating ng isang Asian country. Ibig sabihin hindi naman talunan ang Pilipinas sa basketball. Yun nga lang mas umabante ang ibang bansa at tinatalo na ng mga middle east countries ang Pilipinas. Kahit ang USA ay ramdam din na ang mga European countries na dati ay tinatambakan ng mga Kano ay dumidikit na ang laban sa kanila. Pero dapat ba natin sisihin ang pagkahumaling ng Pinoy sa basketball kaya naiiwan ang ibang sports na mas malaki ang pagasa na manalo tayo sa Olympics at ibang international competitions?

Sa tingin ko ay iba ang pagmamahal ng Pinay sa basketball dahil sa entertaiment value nito. Marami kasing players na iniidolo ng mga Pinoy. At dahil marami ang sumusubaybay sa basketball mas maraming corporate sponsors.

Ang womens volleyball din ay nagkakaroon ng malaking following dahil sa entertaiment value nito dala ng mga player.

Sa kabilang banda kahit nag-gold si Hidilyn Diaz sa weightlifting at Caloy Yulo sa gymnastics ay hindi pa rin makakatumbas ang mga ito sa entertaiment value at following ng basketball at women's volleyball.

Pero hindi nangangahulugan na pababayahan natin ang mga sports na may pag asa tayo nang manalo sa Olympics at concentrate tayo sa basketball o volleyball. Dapat ay balansyado tayo.

Sa mga sports na may malalaking corporate sponsors na may mataas na entertaiment value ìtuloy yan at siguraduhin na ang mga players ay mag karoon ng magandang kinabukasan lalo na pag retiro nila. Hindi na kailangan gastusan ng gobyerno ang mga sports na yan.

Itodo ng gobyerno ang resources nito sa mga sports na kailangan ang suporta. Halimbawa, bawasan na natin ang ginagastos sa pagpapagawa ng basketball courts o pang uniforms ng mga players. Imbes pagawa tayo ng mga mga weightlifting and gymnastics gyms. Bigyan ng mas mataas na mga allowances ang mga players, trainers at coaches sa mga sports na panlaban natin sa international competitions. Bigyan ng ating goverment mass media ng malaking exposure ang mga sports na ito. Ang mga malalaking corporate sponsors naman ay bigyan ng mga incentives para tumulong sa mga atletang panlaban natin. Huwag nang hintayin yun panalo.

Tulungan nilang manalo. Ok maraming nagregalo kay Caloy Yulo. Pero sana sa mga promising athletes ay suportahan din. Samahan nila sa hirap at hindi lang sa panalo.

Sa sports na may mataas na entertaiment value ituloy natin yan pagpapasaya sa fans. Pero sa mga sports na panlaban natin sa mga kumpetisyon itodo natin ang suporta sa kanila dahil Karangalan naman ang ibibigay ng mga ito.