Sports at Politics

Ang daigdig ng pulitika ay hindi malayo sa sports. Minsan ay maganda ang resulta. Minsan naman ay hindi.

SPORTS

Atty. Ariel Inton

9/2/20241 min read

Ang daigdig ng pulitika ay hindi malayo sa sports. Minsan ay maganda ang resulta. Minsan naman ay hindi. Depende kung paano ginamit ang sports para sa pulitika o paano naman nakaapekto ang politika sa sports.

Sports Diplomacy. Pag gamit ng sports para sa diplomatic, political economic relations ng bansa. Ang Olympics ang pinakamagandang halimbawa kung saan ang host country ay nagkakaroon ng magandang relasyon sa mga bansang sumali. Sa Pilipinas may mga palarong pambansa na ginaganap sa ibat ibang bahagi ng bansa upang mapalapit ang mga atletang Pilipino galing sa ibat- ibang probinsya.

Minsan naman ay nagagamit na political statement ang sports tulad ng pag boycott ng USA at mga kaalyado nito noong 1980 Moscow Olympic.

Pulitika sa mga sports association at mga atleta. Nakasasama rin ang politika sa sports kung pinapairal ito over and above the interest of the country. Halimbawa na lang ang faction' faction at pagsuporta sa atleta dahil sa koneksyon at hindi sa galing.

Marami rin mga dating atleta na sumali sa politika at tumakbo sa halalan tulad nila Senators Manny Pacquiao, Freddie Webb, Robert Jaworski,Tito Varela at iba pa.

Nahahaluan din ng mga political issues ang ilang laro. Tulad sa Munich kung saan nagkaroon ng terrorist attack at napatay ang eleven Israeli hostaged.

Sa ngayon ay ramdam pa rin ang pulitika sa sports. Harinawa ay hindi masama ang epekto ng pulitika sa sports upang sa ganoon at maging maganda ang pamamalakad.