Sports at Sugal

Ang sports betting o pustahan sa laro ay ordinaryo sa Pilipinas.

SPORTS

Atty. Ariel Inton

8/27/20241 min read

Ang sports betting o pustahan sa laro ay ordinaryo sa Pilipinas.

Naaalala ko pa na sa basketball ay softdrinks at yelo ay talo-talo na. Pero legal ba ang sports betting sa Pilipinas?

Puwede ba ako makulong pag magpataya ako sa ending? Pag nakipagpustahan ba ako sa laro at hindi nagbayad yun kapustahan ko puede ko ba siya idemanda? Pag nag -benta ba ng laro ang isang player maari siyang makulong? At marami pang katanungan.

Ang domestic sports betting sa Pilipinas ay legal pero kontrolado ito ng ilang ahensya ng gobyerno.

Mga lisensyadong on line betting sites.

Sa Pilipinas, ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang regulatory body ng sports betting.

Ang sports betting ay legal kapag tumaya gamit ang mga Pagcor licensed bookmaker sa mga approved events tulad ng pari mutuel, off track at on track betting.

So kung hindi Pagcor licensed ay illegal gambling yan at maaring makasuhan ng violation ng illegal gambling under PD 1602 as amended by R.A. 9287. Karamihan ng nakakasuhan dito ay mga mahihirap na barya - barya lang ang taya.

Kaya sa usapang maari ko bang kasuhan ang kapustahan na hindi ako binayaran? Oo pero sa tanong mananalo ba ang kaso?, depende. Kung ang hindi nagbayad ay sa mga legal na betting station oo. Pero pag ang pusta ay sa illegal gambling mahirap.

Ang mga player naman na magbebenta ng laro ay maaring kasuhan at ma- suspendi sa kanilang paglalaro. Noong 2021 ang Soccsargen Marlins sa Maharlika Pilipinas Basketball League ay sinuspindi dahil sa diumano game fixing at si League Commissioner Kenneth Duremdes ay nagsampa ng kasong kriminal sa mga kasangkot sa game fixing.

Bagamat ang sports at sugal sa Pilipinas ay konektado kinalailangan ng mas mahigpit na batas upang hindi ma- impluwensyahan ang outcome ng mga laro. Dahil ang sports ay dapat patas ang laban at sa sugal naman.... well pera ang pinag-uusapan.