IN GOD WE TRUST

Sports Clinic / Arts Session Part 2 para sa Dapdap, Pilar kids sa Sorsogon kasado na ngayong summer

HAHATAW na ngayong tag-araw ang 2-araw na Danigilas Free Sports Clinic at Arts Session for kids na sasambulat ngayong huling weekend ng Marso sa Dapdap, Pilar, Sorsogon sa Bicol Region.

GILAS TRAVEL & TOUR

3/4/20261 min read

HAHATAW na ngayong tag-araw ang 2-araw na Danigilas Free Sports Clinic at Arts Session for kids na sasambulat ngayong huling weekend ng Marso sa Dapdap, Pilar, Sorsogon sa Bicol Region.

Bukod sa pagtuturo ng basic knowledge sa basketball at volleyball, tampok din sa naturang sports clinic ang pagtuturo sa mga bata ng inisyal na ksalaman sa larong baseball.

“Ang barangay Dapdap ay maraming bakanteng lugar na pwedeng paglaruan ng baseball at marami ring mga bata ang nais na maglaro nito. Sa bandang hapon ay may makikita kang mga batang naglalaro gamit ang kawayan bilang pamalo o bat at handmade ball gawa sa medyas. kaya sabi ko sa mga bata , sa aking pagbabalik ay magdadala ako ng mga gamit na tunay at dahil may mga adults ding marunong sa laro ay pagtutulungan naming maturuan ang mga batang may potensyal sa laro”, wika ni event organizer / sports journalist Dani Gilas Simon.

Ang larong baseball ay may magandang pangarap ding natutupad tulad sa pagiging iskolar sa paaralan at posibleng maging miyembro ng pambansang koponan dahil sa sport.

“ Teach them young to pursue ambition in life. suporta ako sa iyong advocacy”, sambit naman ni Southridge baseball enthusiast Roselito Mercado, may anak na UAAP junior baseball champion coach at national baseball player.

Ang kaganapan ay suportado rin ng PABA, ang NSA ng sport na baseball.

Sa ikalawang araw ay itutuloy naman ang part 2 ng arts session para sa mga batang alagad ng sining kung saan ang subject ng on- the -spot painting ay nature at sports.

Ang baseball clinic ay aayudahan ng mga kilalang enthusiasts sa elite level sa larangan partikular sa Kamaynilaan. DAS

DaniGilas Free Arts/Sports Clinic for Kids sa Kanayunan