SPORTS PARA SA KABATAANG BULAEÑOS SA BICOL PRAYORIDAD NG TEAM RAZADO VERGARA
ISA ang larangan ng sports bilang prayoridad na programa bukod sa kabuhayan,katiwasayan,kalusugan, edukasyon at asenso ng bayan ng Bula sa Camarines Sur ang isusulong ng Team Razado--Vergara ayon sa kanilang platapormang ihahain sa mamamayan sa tiwalang ipagkakaloob sa kanilang magiging administration tandem.kung papalarin.
SPORTS
Danny Simon
12/29/20241 min read


ISA ang larangan ng sports bilang prayoridad na programa bukod sa kabuhayan, katiwasayan, kalusugan, edukasyon at asenso ng bayan ng Bula sa Camarines Sur ang isusulong ng Team Razado--Vergara ayon sa kanilang platapormang ihahain sa mamamayan sa tiwalang ipagkakaloob sa kanilang magiging administration tandem kung papalarin.
Sina mayoralty aspirant Homer Razado at Vice mayorable Augusto Vergara ay subok na sa larangang serbisyo publiko at sociò- sibikong leader kung kaya ang kanilang tambalan ay kasado nang magserbisyo ara sa progreso ng nasabing bayan sa Kabikulan.


Razado-Vergara tandem with TFOE- PE national president Ronald de los Santos (center).
"Plantsado na ang ating plataporma para sa 33 barangays ng mahal nating bayan ng Bula na hangad nating maiangat mula sa pagiging third class municipality patungong asenso," wika ni Razado." Ang malusog na bayan through sports ay susi rin sa progresibong makakamit ng Bula sa tiwalang inyong ipakakaloob na susuklian naming mag-tandem," ani pa Razado.
Pagpasok ng bagong taong 2025 ay optimistiko si Razado na aani ng maraming tagumpay ang Bulaenos sa iba't ibang larangan sa lokal at pang-internationalna eksena para sa karangalang ng Bagong Bayan ng Bula ayon pa sa tambalang Razado-Vergara.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato