Sports, Showbiz at Politics

Favorite pastime daw ng mga Pilipino ang tatlong ito. Ang mga sikat dito ay pawang mga celebrities.

SPORTS

Atty. Ariel Inton

9/14/20241 min read

Favorite pastime daw ng mga Pilipino ang tatlong ito. Ang mga sikat dito ay pawang mga celebrities.

Marami ay nagkakaroon pa ng career sa tatlo.. Halimbawa, mga sportsmen na naging politiko tulad nila multi titled world boxing champ Manny Pacquiao, PBA greats Robert Jaworski at Freddie Webb.

Pawang naging politiko at artista. Meroon naman artista tulad ni Richard Gomez na naging politiko at atleta ng fencing. At may mga personal na kaugnayan din. Politiko na karelasyon ng artista o player. Hindi lang naman sa Pilipinas kung hindi kahit sa Hollywood tulad ni NBA star Dwayne Wade na asawa ni actress Gabrielle Union. Kaya marami naman na sumisikat at yumayaman ay galing sa tatlong daigdig na ito. Pero meron din naman na nasa kanila na kasikatan at yaman nauuwi rin sa wala.

Pero ang maganda ay nagagamit mo ang natamo mong biyaya sa sports, showbiz o politics para sa kapwa mo. Maraming magandang halimbawa diyan tulad nila Le Bron James na may mga scholarship foundation.

May mga pelikula rin na tungkol sa buhay ng mga politiko at atleta tulad ng Hustler ni Adam Sandler, Chariots of Fire, Rocky at iba pa.

Pero may nagsasabi rin na hindi maganda ang idinudulot ng ganyan .Kapag hindi ka naman handa para doon tulad ng mga artista na naging politiko. O mga politiko na ginagamit ang sports sa politika.

At dahil wala naman batas na nagbabawal sa mga artista na mamulitika o atleta mag-artista ang kailangan lang naman ay handa kang gampanan ang tungkulin mo at hindi pansarili lang na kapakanan ang gawin gamit ang kasikatan.