SPORTS,TURISMO AT ENTERTAINMENT PALALAKASIN NI POLA, ORIENTAL MINDORO MAYOR JENNIFER M. CRUZ

TANYAG ang bayan ng Pola sa Oriental Mindoro sa mahalinàng dalampasigan nito dahilan upang maging lunduyan ito ng lokal at dayuhang turista,magandang tanawin sa kapaligiran,unique na imprastraktura, tribong katutubo na bantog sa buong bansa,tamaraw na simboliko ng lakas sa aspeto ng sikap sa kabuhayan at palakasan, sining, kultura at pulang lupa kung saan ay hinango ang ngalan ng bayan ng Pola.

SPORTS

Ni Danny Simon

7/31/20252 min read

TANYAG ang bayan ng Pola sa Oriental Mindoro sa mahalinàng dalampasigan nito dahilan upang maging lunduyan ito ng lokal at dayuhang turista,magandang tanawin sa kapaligiran,unique na imprastraktura, tribong katutubo na bantog sa buong bansa, tamaraw na simboliko ng lakas sa aspeto ng sikap sa kabuhayan at palakasan, sining, kultura at pulang lupa kung saan ay hinango ang ngalan ng bayan ng Pola.

Sa markadong pagkakilanlan ng bayan ng Pola na dapat lang na pagyamanin, mapalad ang mga mamamayan ng Pola na mabiyayaan ng lider na subok na energetic at makarismang si Mayor Jennnifer M. Cruz dahil sa kanyang pagiging young leader na ang kanyang battlecry noong kampanya ay palalakasin pa ang Pola mula pagsulong ng ekonomiya para sa mahal niyang Polenos at kanyang paiigtingin ang larangan ng Sports at Entertainment (naging bahagi siya ng mga kislap ng pinilakang tabing bilang Ina Alegre) na magpapaangat pa ng katanyagan ng kanilang balwarte na mayuming coastal town ng Oriental Mindoro.

Sa agapay ng mga mamamayan, pamilya, kaibigan, kaadbokasiya, pakikiisa ng kabataan at magagandang lahi nģ bayan pati adult sector, tahak na ng administrasyon ni Mayora Cruz ang tagumpay na halos abot-kamay.

Paiigtingin ni Mayor Cruz (may -ari ng Mindoro Tamaraws sa MPBL) ang grassroot sports development program nito di lamang sa larangan ng basketball kundi maging sa larong football,volleyball, softball, chess, at iba pang team sports.

Dahilan sa biyayang magandang dalampsigan at katubigan ay isusulong din ang watersports tulad ng dràgonboat,canoe kayak, seaside swimming pati na ang triathlon (swim-bike-run) at di niya makakaligtaang isulong din ang katutubong palakasan sa pamamagitan ng programang nasyunal na ' Laro't Saya sa Parke'na tatampukan din ng mga fun at competitive na zumba.

Nasa kànyang programa rin ang sports ìnfrastracture tulad ng coliseum,track oval,football at softball fields at iba pang sports venues upang matupad àng kayang pangarap na makapagdaos ng mga national games tulad ng Palarong Pambansa ,Batang Pinoy Games at iba pa na magiging daan sa pagtuklas ng mga bayaning atleta na produkto ng Pola na magbibigay din ng karangalan sa Pilipinas na sumasabak sa SEAGames,Asian Games hanggang Olympics na babansagan niyang dakilang POLALYMPIANS.

Nakahanay din ang mga patimpalak kagandahan,arts competitions at cultural events na magpapaangat sa livelihood ng Polenos sa pamamagitan ng Turismo.

"Beautiful,strong and champion Pola,diyan kami kilala kaya hihigitan pa natin ang ekspektasyon ng mahal kong kababayan lalo sa katanyagan. Tara na sa Pola!," paanyaya ni Mayora.

Si Pola Oriental Mindoro Mayor Jennifer Cruz na target palakasin ang sports at cultural tourism ng kanilang bayan.