IN GOD WE TRUST

STAR ACTOR /MARTIAL ARTIST JAKE CUENCA TODO SUPORTA SA ENCUENTRO C’SHIP NI CATALAN

BILANG alagad ng sining at martial arts, todo suporta si movie and tv celebrity star actor Jake Cuenca sa idinaos na Philippine Encuentro Championship (PEC) - Search for New Heroes sa Catalan Fighting System Gymnasium Sabado ng hapon sa Tejeros Makati City .

SPORTS

Ni Danny Simon

6/7/20261 min read

BILANG alagad ng sining at martial arts, todo suporta si movie and tv celebrity star actor Jake Cuenca sa idinaos na Philippine Encuentro Championship (PEC) - Search for New Heroes sa Catalan Fighting System Gymnasium Sabado ng hapon sa Tejeros Makati City .

Ang multi- awardee actor ng pinilakang tabing at tele-serye star na si Cuenca ay espesyal na panauhin sa 38- bouts PEC event for a cause na nilahukan ng mga kabataan at betranong mandirigma sa fighting cage ng Sudokwan, MMA,K1,traditional karate at boxing mula sa Metro Manila at karatig na inorganisa ni PEC founder, Asian Games Doha2006 wushu gold medalist Rene Catalan katuwang si Dra Brookeshield Imperial.

“ Nakaka- engganyong saksihan ang mga ganitong uri ng sports kung saan ay potensiyal na mag- excel ang ating Filipino fighters internationally partikular silang mga kabataang nangangarap na maging matagumpay sa larangan sa hinaharap,"wika ni Cuenca na malugod na iniimbita ang mga kabataan at sumisibol na lumahok at tangkilikin ang mga ganitong uri ng kumpetisyon .

" Hats off po tayo sa ganitong noble project ng ating bayaning atleta at event organizer na ngayon si G. Rene Catalan..Pugay po!", ayon pa kay Cuenca na ipinagpasalamat ang pagpapaunlak ni CFS gym owner Catalan na magamit na practice venue para sa ginagawang pelikulang pang - martial arts action na idinidirihe ni Direk Dante Brillante Mendoza.

Si Cuenca ay nagsimula bilang taekwondo jin at kinahihiligan ang boxing na nakapagbigay na ng maraming karangalan sa Pilipinas.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...