STATEMENT NI SEN. BONG GO SA HINAING NG PH GOLF OLYMPIANS

LABIS na ikinabahala ng isang mambabatas na nagmamahal at nagmamalasakit sa larangan ng sports para sa bayan ang latest issue hinggil sa hinaing ng ilang atleta ng pambansang koponan na sumabak sa katatapos nang 2024 Paris Olympics sa France.

OPINION

Danny Simon

8/11/20242 min read

LABIS na ikinabahala ng isang mambabatas na nagmamahal at nagmamalasakit sa larangan ng sports para sa bayan ang latest issue hinggil sa hinaing ng ilang atleta ng pambansang koponan na sumabak sa katatapos nang 2024 Paris Olympics sa France.

Ang butihing Senador na isang dating varsity player ng kanyang alma mater sa Davao City ay nagpalabas ng kanyang saloobin kaugnay ng di nakakaigayang pangyayari sa naturang Summer Games na nakapagdudulot ng epekto sa pagdiriwang ng sambayanan sa 2 ginto at 2 tansong ani ng Pilipinas sa Olimpiyada kortesiya ni gymnast Carlos Yulo at 2 Pinay boxers natin.

Narito ang buod ng official statement ni Senator Christopher 'Bong'Go.

"Bilang Chairperson ng Senate Committee on Sports, nabigla ako at labis na nalungkot nang malaman ko ang sitwasyon hinggil sa kawalan ng mga uniporme ng ating mga golfer sa Paris 2024 Olympics.

Ramdam ko po ang sama ng loob na inilabas ng ating mga atleta. Hindi natin ito inaasahan lalo pa't isinulong natin ang dagdag na P30 milyon na pondo para lamang sa preparasyon ng ating delegates sa 2024 Olympics.

Bukod pa riyan ang tig-P500,000 na financial support na ating ibinigay sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa bawat Filipino athlete at para-athlete na sasabak sa Paris Olympics at Paralympics ngayong taon.

Malaking bagay ang uniporme, kasi andun ang bandila ng Pilipinas. Iyon ang sumisimbulo sa bansang kanilang inirerepresenta. Kaya ang tanong ko ngayon sa Philippine Sports Commission at sa concerned national sports association: Ano ang nangyari?

Kung kinakailangan, bubusisiin natin ito sa komite pagkatapos ng Paris Olympics at magsasagawa tayo ng post-evaluation kung paano maiiwasan ang ganitong kakulangan at paano pa mas mapapabuti ang suporta sa ating mga atleta.

Hindi po natin nais magsisihan. Ang gusto lang natin ay maibigay ang sapat na suporta sa ating mga magigiting na atleta na bitbit ang karangalan ng ating bansa. Once in a lifetime lang po ang mga oportunidad na ito na makasali sa Olympics o iba pang international competitions. Ibigay na po natin ang buong suporta na nararapat!

Sabi ko nga, minsan lang tayong dadaan sa mundong ito. Kaya anumang tulong ang pwede nating ibigay, o anumang karangalan ang pwede nating ialay sa bansa, ay gawin na natin ngayon.

Gayunpaman, kahit na may ganitong mga aberya, proud na proud tayo sa bawat manlalarong Pilipino na patuloy na nagpapakita ng gilas, determinasyon at puso sa kanilang mga laban at future . GO, Go for Gold!" Lalo na sa susunod na international na bakbakan at Olympics...ABANGAN!