IN GOD WE TRUST
STL sa QC: DAPAT BANG IMBESTIGAHAN?
Naalala ba ninyo ang inexpose dati ni Sen. Raffy Tulfo na tinawag na " dubiously approved STL contracts or midnight deal ng pagbibigay ng STL permits orchestrated by a former PCSO official known as PROSI.
OPINION
ATTY. ARIEL INTON
9/25/20261 min read


Naalala ba ninyo ang inexpose dati ni Sen. Raffy Tulfo na tinawag na " dubiously approved STL contracts or midnight deal ng pagbibigay ng STL permits orchestrated by a former PCSO official known as PROSI. Ang STL operation sa Quezon city ang isang nais imbestigahan noon.
Di umano ay isang ONE PERSON CORPORATION na walang financial soundness ay na awardan ng STL permit sa isang lutong makaw na bidding at ito daw ay nagbenta ng shares sa ibang private individuals. Kung baga ay parang " sub contracting" na violation sa IRR ng PCSO.
Fastforward, ayon sa mapagkakatiwalaang source ay lalong lumala ang ma anomalyang operation ng STL sa Quezon city.
May mga " cloned" STL machines at mga pekeng STL betting stations na nag operate ng walang PCSO permit. Kung ikaw ay bettor at tumaya ka sa mga illegal na STL ay walang napupunta sa gobyerno . Napupunta ang taya mo sa bulsa ng mga illegal na STL operators at mga protektor nila. At dahil ang taya mo ay sa illegal, imposible kang manalo!
Hindi na masikmura ng ilang mga empleyado ng mga ILLEGAL NA STL OPERATION ang panlolokong ito at nais na rin umaksyon ng mga legitimate STL operators na naapektuhan ng mga illegal at balak na nilang iakyat na sa QUEZON CITY HALL ang problemang ito. At handa rin silang ibulgar kung sino ang mga illegal na STL operators at mga hinihinalang protektor ng mga ito.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
