IN GOD WE TRUST
SUDOKWAN / CATALAN FIGHTERS LUTANG ANG HUSAY SA INDIE FILM
MALAKING papel ang ginagampanan ng Catalan Fighting System ni Asian Games Doha wushu gold medalist Rene Catalan upang maging de kalidad na klase ang ginagawang indie film ng mga sikat na artista( action) sa pinilakang tabing na may temang martial arts o combat sports.
SPORTS
Ni Danny Simon
7/13/20261 min read


MALAKING papel ang ginagampanan ng Catalan Fighting System ni Asian Games Doha wushu gold medalist Rene Catalan upang maging de kalidad na klase ang ginagawang indie film ng mga sikat na artista (action) sa pinilakang tabing na may temang martial arts o combat sports.
Sa shooting ng naturang martial arts action film nitong weekend sa Mandaluyong City, full force ang sudokwan fighters na gumiya at umispar sa mga bida ng pelikula sa segment na ‘ SUDUKAN MMA FIGHT NIGHT’ na tinampukan nina Jake Cuenca sa papel na
Victor Cruz versus Ryan Santos na ginampanan naman ng Sudokwan fighter ni Catalan.
Ang ikalawang bout ay tampok din si Elizae Canlas sa papel na Richard the fighting Bicolano at K O’Neal.
Sa bakbakang Victor vs Ryan ay naroon sa ringside sina John Estrada , Albert Martinez, Roi Vinzon at Baron Geisler na nagdagdag ningning sa naturang film for a cause.
‘ Ginawa ng ating mga fighters na maging markado ang bawat action sequence ang pelikula para mas lalong makatotohanan lahat ng eksena,” wika ni Catalan.
Tuluy- tuloy naman ang mga bouts ng pelikulang inaasahang magiging box office hit dahil sa hitik sa aksyon ang proyektong may kinalaman sa development ng martial arts at pakikibaka ng tao.
Katuwang sa naturang kaganapan ang sudokwan fighters/ personnel na sina Joseph Dequina, Marc Arcilla, John Denver Racaza,Mark Fuentes, James Banderas,Ruel Catalan, Edelmark Catalan atbp. katuwang si Sudokwan official Brooke Shield Imperial.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
