SUDOKWAN INC. SPORT ILALAPIT NI CATALAN SA POC PARA MAGING NSA NA RIN

OPTIMISTIKO si Sudokwan Inc. founder/president Rene Catalan na mapagtitibay na ang pagiging opisyal na miyembro na ito bilang Olympic family ng POC sa maagang bahagi ng bagong taong 2026.

SPORTS

Ni Danny Simon

12/8/20251 min read

OPTIMISTIKO si Sudokwan Inc. founder/president Rene Catalan na mapagtitibay na ang pagiging opisyal na miyembro na ito bilang Olympic family ng POC sa maagang bahagi ng bagong taong 2026.

Ayon kay Asian Games 2006 Doha , Qatar wushu gold medalist Catalan, kinikilala na ng international sudokwan association ang itinatag ni Catalan dito sa Pilipinas na Sudokwan Inc.na may sapat nang bilang ng atleta nito at torneong lokal mula nang itatag ang naturang national sport association bound.

"Like other combat sports ng NSA at mixed martial arts , ang ating Sudokwan ay kinapapalooban ng mga galawan na pang-international ang aspeto kaya patuloy ang dagsa ng mga combat fighters upang makilahok na sa mga Sudokwan competitions na inoorganisa ng ating Catalan Fighting System.Pangarap ko maging number one ang ating Sudokwan athletes pagdating sa international na bakbakan, " sambit ni Catalan na nagtatag din ng Philippine Encuentro - Search for more Filipino Heroes sa Makati City.

Nakahanay na kaganapan sä Pebrero'26 ang 3rd Sudokwan National and World Championship na ihu-host ng bansa sa pagsisikap ni Catalan na ngayon pa lang ay nagpapasalamat na sa Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commìssion.