SUDOKWAN, KICKBOXING, GRAPPLING AT MMA BOUTS, BAKBAKAN NA SA PEC CFS MAKATI

UMABOT na sa 28 koponan ang masasaksihan sa 31 bakbakan ang handog ng Catalan Fighting System Philippine Encuentro Championship ' Search for Filipino Heroes' ang lalarga ngayong Sabado sa CFS Gym na nasa Yague St.,Tejeros ,Makati City.

SPORTS

ni Danny Simon

7/31/20251 min read

UMABOT na sa 28 koponan ang masasaksihan sa 31 bakbakan ang handog ng Catalan Fighting System Philippine Encuentro Championship ' Search for Filipino Heroes' ang lalarga ngayong Sabado sa CFS Gym na nasa Yague St.,Tejeros ,Makati City.

Ayon kay event organizer 2006 Doha Asian Games wushu gold medalìst Rene Catalan,Sr.,tatampukan sa main event ang Bulado vs Torres rematch sa Sudokwan boxing.

Undercard naman sa Kickboxing ang mga bakbakang Adalla vs Balderas at Ramon vs Araque habang sa MMA bouts ay main event ang ribalang Rasonabe vs Li.

Ang kickboxing main event ay ang sagupaang Huen vs Maramba at sa boxing event ay ang bakbakang Quimno vs Andoque at iba pang nakahanay sa fightcaŕd na sisimulan bandang 3pm onward.

" Puro bigating combat fighters ang masasaksihang encuentro ngayon sabado kaya good luck sa ating mga mandirigmang dumaan sa komprehensibong preparasyon bago sumalang ngayòng Sabado sa PEC," wika ni Catalan,Sr. na siya ring founder president ng Sudokwan Association sa Pilipinas.

Sa distaff side ay matutunghayan ang bakbakan sa kababaihan tampok ang paghaharap nina Acosta ng Nueva Ecija kontra Java ng Iloilo at nina Arce ng Pilipinas laban kay Khang ng Korea na parehong sa kickboxing fight nakasalang.

Sa grappling fight ay tampok ang bunuang Sua vs Masangkay.