SUDOKWAN MARTIAL BETS SASABAK SA WUSHU COMBAT WORLD C'SHIP AT SUPORTA NI SEN. GO

HANDA nang sumagupa ang TEAM PHILIPPINES martial artists sa sasambulat na bakbakan sa prestihiyosong Wushu World Combat Championship sa Malaysia mula Oktubre 15 hanggang 19, 2025 .

SPORTS

Danny Simon

10/5/20252 min read

HANDA nang sumagupa ang TEAM PHILIPPINES martial artists sa sasambulat na bakbakan sa prestihiyosong Wushu World Combat Championship sa Malaysia mula Oktubre 15 hanggang 19, 2025 .

Tiniyak ni PH team manager Brookeshield Imperial na full battle gear na ang tropang Sudokwan wushu combatants upang makapag-uwi ng karangalan para sa bansa.

Ipinagmalaki naman ni Sudokwan Association Inc. founder/ president /team head coach Rene S. Catalan ang kahandaan ng best bets ng bansa na makikidigma sa lona ng karangalan lalo na't pinaghandaan ito ng komprehensibo at puspusang pagsasanay sa giya na rin ng Catalan Fighting System( CFS) sa agapay din ng Team Athletes Commission sa pangunguna ni Coach Robert James Lagan. Makakatuwang niya sina team assistant Coach Glenn Acosta at female team coaches Renelyn Catalan at Mary Anne Garlejo.

Binabanderahan ng TEAM ATHLETES nina Renlyn Catalan, Jerilen Amandoron, Jerelin Java, Blessy Acosta, Brookshield Imperial, Nico Nova, Edemel Catalan, Juro Amandoron, Rene Catalan Jr. Jericho Duane Mata, Emmanuel Eseukpe, Arvin Chan at Jhon Nichole Camangeg.

" Handa na ang ating best combatants para sumabak sa world caliber na bakbakan sa Malaysia at determinado silang makapag-uwi ng karangalan para sa Pilipinas", wika ni 2006 Asian Games Doha Qatar wushu gold medalist Rene Catalan.

Pìnasalamatan din ni Catalan ang suporta ng Philippine Sports Commission , ang kaukulang rekognisyon na ibibigay ng Philippine Olympic Committee bilang miyembro ng national sports association at ang pagkilala sa nakaraang tàgumpay ng kanyang mga atleta na nag- uwi ng 4 ng gintong medalya at 3 silver mula sa kanilang pagdayo sa international competition mula kay Senate Sports Committee head Senator Bong Go na nagtakda ng panahon para sa isàng courtesy call sa tanggapan ni SBG sa Senado anumang araw mula ngayon.

Ayon kay Catalan labis na ikakatuwa at dagdag motibasyon para sa kanilang misyon ang makaharàp ang idolong si Senador Go bago sila muling sumabak sa world stage na bakbakan sa Malaysia.

Sigaw ni Catalan at buong koponan... BAKBAKAN NA KABAYAN! Go, Go,GO!

Don't forget ..Sudokwan Synergy International.

Lowcut: Belated birhday shoutout sa ating kaibigan,dear ate nini Gloria Pamplona Salazar diyan sa Bgy. Caburacan, Castilla,Sorsogon mula din sa kanyang utol Abby Belen Pamplona from Makaturing. Enjoy ang uminog sa makaniyog bago makarating sa kanyang balwarte.

Happy Birthday today sa ating kaisport sa golf, golp, gulp at ka-jamming na si musikero par excellence Alex Diaz diyan sa Tondo.Sa iyo ang inumin, sa iyo ang pulutan, iyo ang tugtugan akin ang mikropono di ba ate cora at Insan Sho? FELIZ CUMPLEAÑO SENOR DIAZ!