SUDOKWAN NI CATALAN IPAKIKILALA KAY PRES. BAMBOL NG POC PARA SA REKOGNISYON

OPTIMISTIKO si Asian Games Doha 2006 wushu gold medalist Rene Catalan na kikilalanin ng Philippine Olympic Committee( POC) ang bagong tatag na Sudokwan, Inc.bilang kapamilya na sa Olympic movement ng bansa sa madaling hinaharap.

SPORTS

Danny Simon

11/17/20241 min read

OPTIMISTIKO si Asian Games Doha 2006 wushu gold medalist Rene Catalan na kikilalanin ng Philippine Olympic Committee( POC) ang bagong tatag na Sudokwan, Inc.bilang kapamilya na sa Olympic movement ng bansa sa madaling hinaharap.

Ang Sudokwan, Inc. na isang sport assocìation ay binuo at pormal na inilunsad kamakailan saksi ang media at ibang top sports afficionsdos ay kaagapay sina Kap. Reynaldo Legaspi, Dr. Brookeshield Imperial, Mhar Jhon Manahan, Zhander Gregorio, Edemel Catalan at Rocel Catalan.

"Sa December, we will formally apply para maging lehitimong miyembro ng NOC (National Olympic Committee) kung saan ay tapos na ang election at tiyak na may panibagong mandato na si incumbent Philippine Olympic Committee( POC) president Cong. Bambol Tolentino na isang makabayan, maka- atleta at lehitimong martial arts head (National Mixed Martial Arts Association of the Philippines o NMMAAP) katulad ni re-electionist Senator Francis Tolentino (Kickboxing Association of the Philippines) kung kaya kami ay umaasa ng positibong tugon mula sa ating pinagpipitagang lider sa sports," wika ni Catalan, may-ari ng Catalan Fighting System (CFS) sa Makati City na kabilang sa may pinakamaraming bilang na miyembro ng mixed martial arts athletes at karamihan ay nakapag-uwi na ng karangalan sa bansa mula international competitions.

Ang Sudokwan ay isang sining marsyal na orig na Pinoy katulad din ng taekwondo mula Korea at judo mula Japan.