IN GOD WE TRUST
SUDOKWAN WORLD NI CATALAN DAPAT SUPORTAHAN
ANG dami na ng hosting ng bansa na world event na naging matagumpay sa pagtutulungan ng mga sports leaders natin, pribadong sektor, corporate at op kors ng ating pamahalaan.
SPORTS
DANNY SIMON
1/29/20261 min read


ANG dami na ng hosting ng bansa na world event na naging matagumpay sa pagtutulungan ng mga sports leaders natin, pribadong sektor, corporate at op kors ng ating pamahalaan.
Naging matagumpay ang hosting ng FIBA World Cup basketball, World Men 's Volleyball, World U- 18 Gymnastics,Women's World Futsal at ang latest ay ang World Tennis Associaion( WTA) Womens' 125 Championship na lahat ay successful dahil sa pagtutulungan ng lahat nbg konsernadong Pilipino.
Ngayon ay inilalatag na ang lahat ng sistema sa hosting ng 1st World Sudokwan Championship na lahat ay lakas- loob na iniratsada ni Sudokwan Philippines founder President Rene Catalan( 2006 Asian Games Doha wushu gold medalist , SEAGames multi- medalist,Catalan Fighting System at Philippine Encuentro Search for more Filipino Heroes founder Catalan).
Nakatakda ang hosting sa Mayo 2026 kaya ngayon pa lang ay arangkada na ang preparasyon kabilang na ang national qualifying sa Pebrero at Abril.
So far ay nasa 15 countries and counting na ang mga kumpirmadong kalahok.
Sa Senado ay nanguna na si SEN.BONG GO sa confirmed na ang suporta sa nasabing world. event ni Catalan at umagapay na rin ang Kongreso. Of course di pababayasn si Rene ng PSC at POC.
Panawagan ng korner na ito na tulong - tulong na tayo para sa successful staging ng 1st World Sudokwan. Ang tagumpay nito ay karangalang ng lahat ng Pilipino at ng bansa.
Mga kababayan sa private at corporate sector..ating tulungan si Catalan....ABANGAN!!
MARAMING SALAMAT SEN. BONG GO!


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
