SUMISIKAD NA PARANGAL KAY MASTER CUEVAS NG GSF SIKARAN MARTIAL ARTS
WHEN it rain, it pours!
SPORTS
DANNY SIMON
7/10/20252 min read


WHEN it rain, it pours!
Buhos ang dating ng parangal at umaagos ngayong taong 2025 kay martial arts enthusiast Master Crisanto Cuevas- pinuno ng tanyag sa Tanay sa 'Pinas at ibayong dagat na GSF Raven Sikaran Martial Arts na deserve naman niyang tanggapin para bayan.
Tampok ngayon ang tinanggap niyang napaka- prestihiyosong Walk of Fame 'The Path of Champion' na isang rekognisyon mula sa pinagpipitagang award- giving body sa bansang India.




Sa kanyang eleganteng tropeo ay nakaukit ang dahilan ng parangal na Walk of Fame Great Master Crisanto Cuevas- Honored for Excellence in Martial Arts'The Path of Champion'na isang rare peat para sa Pilipino anumang larangan ang kinabibilangan.
Nauna dito nitong nakaraang buwan ng Mayo ay ginawaran ng pagkilala si Master Cuevas ng prestihiyosong Gilas News Organization na iginagawad sa mga indibidwal na may markadong ganap sa komunidad at national scope.
Nasundan pa ito ng parangal ng Tanay LGU sa pangunguna ni Mayor RM Tanjuatco at buong Konseho dahil sa matagumpay na pagdepensa sa kanilang overall championship ng GSF Raven Tanay Sikaran sa nagtapos ng National Open Sikaran Championship na ginanap sa Kalibo Aklan kamakailan.
" In recognition of your valuable contribution to the promotion of Sikaran thru Project Sikad.Your dedication in sharing your skills and knowledge has enriched the lives and inspires our learners to embrace this traditional Filioino martial arts as contribution in enriching our Physical Education and Cultural awareness"- ito naman ang nilalaman ng DepEd Certificate of Recognition na iginawad ni School Pincipal Emily Fernandez sa pormal na seremonyang idinaos sa Punta Elementary School noong Hulyo 5.
Ang magkakasunod na parangal ay malugod na tinanggap ni Master Cuevas na kanya namang ibinahagi sa mga katuwang nniyasa adbokasiya tulad nina blackbelt
Instructor Sannoel Celestino,Instructor Tyron Reyes at Training Instructor Troy Nagarez kaagapay ang mga officers na sina Secretary Nicole Catolos, assistant Secretary Melanie Reyes Finance Officer Dona Cuevas Barlis, assistant Finance officer Winnie Jose,Community Officers Jebigail Custodio at Peace and order Officer Alvin Nagarez kasama din ang demo team na pinangungunahan ni Kyrie Nagarez,Wyne Custodio,Yohan Custodio at Angeluz Jose gayudin ka Tanay Councilor Roger Catolos.
"Ang Free Sikaran Basic Training Course ay isa sa advocacy ko na mapalaganap at maturuan ng libreng Sikaran ang lahat ng kabataan sa Lalawigan ng Rizal at mapabilang ang Sikaran sa Palarong Pambarangay,Pambayan at Pambansa. Madami -dami na ding mga School sa Tanay ang naturuan namin ng Free Sikaran Basic Course ngayon ay sa Bayan ng Jala Jala, Rizal sa Punta Elementary School ." wika ni Master Cuevas.. PUGAY at MABUHAY!




Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato