Sunday stunner sa UAAP baseball elims... NU BULLDOGS BINOKYA ANG UST TIGERS,10-0
BINOKYA ng National University ang University of Santo Tomas,10-0 upang tumatag ito sa solo liderato sa papatapos na double elimination round ng University Athletic Association of the Philippines kamakalawa ng gabi sa UP Baseball Field sa Diliman, Quezon City.
SPORTS
Danny Simon
3/25/20242 min read


BINOKYA ng National University ang University of Santo Tomas,10-0 upang tumatag ito sa solo liderato sa papatapos na double elimination round ng University Athletic Associaion of the Philippines kamakalawa ng gabi sa UP Baseball Field sa Diliman,Quezon City.
Agad na umiskor ng 3 runs ang Bulldogs sa tuktok ng unang inning sa RBI single ni Kevin Maulit at nasundan ng dalawa pa sa sumunod na frame.
Inangkla ng Tigers ang NU batters sa third inning pero muling nagpaulan ng 5 runs ang Sampaloc- based batters sa sumunod na frame habang di pinapaporma ni ace pitcher Amiel de Guzman ang UST sluggers sa kanilang opensa. Muling tumikada ang Bulldogs sa top of 5tn bunga ng triple sa right center ni Nigel Paule na pinagningning ng isa pang run sa top 8th tungo sa shutout win via mercy rule ng tropang Zamora.
"It was a group effort with my coaches,Coach Robin Go,Junemar Disrao and Mon Espina to make sure that the team stays focus and have their eyes on the target.Hindi kailangang magmadali and we will take one game at a time para di ma- overwhelmed ang mga bata. We are grateful to our Manager Sir Whopsy Zamora , Sir Rey Sol and to the NU baseball community for their support",wika ni winning head coach Romar Landicho.
"Magandang baon ang panalong 'to bago holy week vacation.We'll be back on target after the break," pahayag ni team manager Zamora.
Nangunguna sa team standing ang NU ,6-3 dahil sa win over the other rule .Tinalo nila ang De LaSalle (6-3)kamakailan, dausdos naman sa 5-4 ang Ateneo.
First 2 innings, naka score po agad kami ng 3. But UST hold us off on the 3rd inning. And on the 4th inning, nakabuhos kami ng 5 runs. We added another rug on on the 5th inning c/o Nigel Paule's triple to the right center. We made sure that our defense is solid and the fielders support the exceptional pitching of Amiel De Guzman. We tried to push for another run on the 6th and 7th para makapag regulation game, pero UST held their ground. But we successfully did it on the 8th inning to end it without going into the 9th.
Quote: It was a group effort with my co-coaches, Coach Robin Go, Coach JD Diarao and Coach Mon Espina to make sure that the team stays focused and have their eyes on the target. Hindi kailangan magmadali and we will take one game at a time para di ma-overwhelm ang mga players. We are grateful to our Manager Sir Wopsy, Sir Rey Sol and to the NU baseball community for their support.
Nagdiwang ang NU Bulldogs sa panalo vs UST Tigers.


Wopsy Zamora
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato