SURVEY SHARKS!

MARAMING natuwa at nagalak nang malaman ng mga billiards enthusiasts na magkakaroon na ng professional billiards league, kauna-unahang play-for-pay na liga ng pool sa mundo at ito ay sa Pilipinas pa sasargo.

OPINION

Danny Simon

5/15/20242 min read

MARAMING natuwa at nagalak nang malaman ng mga billiards enthusiasts na magkakaroon na ng professional billiards league, kauna-unahang play-for-pay na liga ng pool sa mundo at ito ay sa Pilipinas pa sasargo.

Ang pagkatatag ng Sharks Billiards Association (SBA) Pro-league na isang mahabang panahong pinagplanuhan para sa matagalang kapakinabangan ng mga bilyaristang Pinoy ay naging posible sa mahusay at produktibong adbokasiya sa sport ni SBA founder CEO, dating varsity billiards player at anak ni pool godfather Perry Mariano.

Maraming batikang manlalaro ang nakatengga at naghihintay ng torneo ang prayoridad sa proyektong ito para may kinikita habang naglalaro sa SBA na tatanggap ng sahod mula sa kanilang corporate teams na kabilang sa liga.

" Sa SBA, walang sayang na panahon sa mga players dahil laging may aksiyon at may suweldo pa.

Ihanda na ang tako at tisa dahil parating na ang SBA.

Unang sigwada ng SBA sy pang All -Filipino muna at kasunod na nito ang international flavor..Pinoy bilyarista...SARGO NA!

May mga nakausap tayong mga enthusiasts na nakabasa sa ating isinulat tungkol sa Sharks Pro-League na ating napulsuhan:

Survey says..."Malaking tulong ang SBA sa nga magagaling nating players. Play-for-pay okey", wika ni Engr. Asi Lagman - laman ng bilyaran sa Estrada, Malate noong college days niya sa La Salle Taft:

" Dahil sa SBA, magkakaroon ng ambisyon maging kampeon sa bigtime billiards ang mga batang bilyarista lalo dito sa amin sa Quezon", sambit ni David Zamora na may-ari ng bilyaran sa probinsiya:

"At least dahil sa SBA, giginhawa ang buhay ng pamilya namin na nag-aantay ng asenso kapag may torneo tulad nito", wika ng maybahay na ang asawa ay puro tropeo ng pool ang nakadisplay sa kanilang bahay pero kapos sa panggastos."Sana po madiskubre ng SBA ang partner ko".

Ayon naman sa isang billiards kibitzer sa Taguig.."Sana po ay mawala na ang imahe ng billiards na isang sugal kundi isang propesyon na maipagmamalaki sa buong mundo".

" Hindi na tayo mao-overtake ng ibang bansa sa ranking natin sa world billiards dahil sa SBA. Tunay na world champion ang Pinoy", pahayag naman ni Alexis Diaz na isang bilyarista na musikero pa".

Sa susunod nating pitak ay ating pupulsuhan ang mga ka-bilyar nating mga sports and showbiz personalities...ABANGAN!