Suspensyon at ban sa mga involved...PCCR VS IIHC SA NUCAA ‘BASKETBRAWL

HUMANTONG sa 'basketbrawl' ang mainitang bakbakan sa pagitan ng Philippine College of Criminology at Integrated Innovative Hospitality College sa Day 2 ng National Universities and Colleges Athletic Association (NUCAA) Season 2 sa Neopolitan Brittany Clubhouse Gym,Quezon City nitong Marso 14.

SPORTS

Danny Simon

3/16/20242 min read

HUMANTONG sa 'basketbrawl' ang mainitang bakbakan sa pagitan ng Philippine College of Criminology at Integrated Innovative Hospitality College sa Day 2 ng National Universities and Colleges Athletic Association( NUCAA) Season 2 sa Neopolitan Brittany Clubhouse Gym,Quezon City nitong Marso 14.

Batay sa isinumiteng incident report ni NACUAA tournament commissioner Ogie Bernarte na pirmado rin ni executive director Leonardo Andre s,sumambulat ang insidente nang gulangan sa paint area na nauwi sa tulakan, suntukan, hatawan ng monoblocks, batuhan ng bola at benchclearing na magreresulta sana ng free -for-all, 7:53 sa third angat ng double digit ang defending men's division champion Serpent Eagles, 59-47 kundi pumagitna sina Comm. Bernarte, E.D. Andres ay hindi lalamig ang magkabilang-panig.

KUYUGAN

PIKUNAN

Naging negatibong resulta ng naturang gulo ay ang ‘banned sa liga ng tigalawang players ng PCCr at IIHC at 1 game suspension ng isang Criminologist.

Ipapatupad ang naturang desisyon matapos ang pulong ng Board of Sports Management na nagpasya para sa pinakamabuting interes ng lahat ng konsernado at ng liga.

Umapela naman sa resolusyon ng NUCAA ang sports director ng PCCr na si Gene Bang Tumapat na irekonsidera ang naturang pasya dahil magdudulot ito ng negatibong epekto sa scholarship ng kanyang manlalaro tulad nang pagkawala ng naturang benepisyo bilang mag-aaral ng banned nilang players kapag naimplementa ito.

“The banned players have expressed genuine remorse for their actions and have shown a willingness to rectify their mistakes and behavior and are committed to making amends”, saad ni Tumapat na humiling ng rekonsiderasyon sa ban ng kanilang players.

”Everyone deserves a second chance to learn from their errors and demonstrate personal growth.By allowing these players back into the league, we can foster a culture of forgiveness and support.”

Ang NUCAA league ay pinamumunuan ni Chairman Atty. Carmelo Arcilla katuwang sina Pres. Solomon Padiz , Sr., EVP Red Dumuk, E.D. Ding Andres, Deputy E.D. Arlene Rodriguez, Corporate Secretary Atty. Joanne Marie Fabella,Treas. Tumapat. Auditor Ric Andres at Directors na sina Bai Cristobal at Turo Valenzona.