Table Tennis phenom, puntirya ang Paris Olympics
Pinoy table tennis player sa Paris Olympics? Ang posibilidad na muling makalaro ang Pinoy sa quadrennial Games ay nasa mga kamay ni Philippine women’s No.1 at three-time Southeast Asian Games campaigner Kheith Rhynne Cruz.
SPORTS
11/9/20232 min read


Pinoy table tennis player sa Paris Olympics?
Ang posibilidad na muling makalaro ang Pinoy sa quadrennial Games ay nasa mga kamay ni Philippine women’s No.1 at three-time Southeast Asian Games campaigner Kheith Rhynne Cruz.
“Next po na target namin ay maglaro sa Olympic qualifying, kaya sabi ni coach Annabelle (Comendador) mag-ensayo ako ng mabuti,” pahayag ni Cruz sa kanyang pagdalo sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.
Kabilang sa Olympic qualifying na nakalinyang paglaruan ng Grade 12 student ng Paco Citizen Academy Foundation ang US Open na nakatakda sa Disyembre 16-21 sa Ontario,California.


“Nagpapasalamat po ako sa mga taong tumutulong sa akin kasama na ang Joola Philippines, TATAND at kay Sir Philip Uy, para matupad ko ang pangarap ko na makapagbigay ng karangalan sa bansa. Kung papalarin po, talagang gusto kong makapaglaro sa Olympics,” sambit Cruz sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.
Nais ni Cruz na mapantayan hindi man malagpasan ang naging tagumpay ni Ian ‘YanYan’ Lariba, ang tanging Pinay table tennis player na nakalaro sa quadrennial Games noong 2016. Si Lariba ang pinakabatang player sa edad na 12-anyos na naging PH No.1 player, ngunit sa edad na 24-binawian siya ng buhay sa sakit na Leukemia.
Tinanghal na kampeon ang 16-anyos na si Cruz sa Under-19 class ng katatapos na World Table Tennis Youth Contender Championship sa Puerto Princesa, Palawan matapos gapiin ang World youth No.15 na si Sally Moyland ng US, 11-9, 8-11, 7-11, 11-6, 11-8.
Nauna silang nagkaharap sa 17-under class ng naturang torneo kung saan nanaig ang American seeded player.
“Yung pagkatalo ko sa kanya sa 17-under ang naging motivation ko. During the game kasi lamang ako sa kanya pero nakahabol siya. Sabi ko sa arili ko kaya ko siyang talunin dahil nadominate ko na nga siya, kaya nang maglaro kami sa finals ng 19-under hindi ko na pinayagang makabawi siya,” sambit ni Cruz, World Rank No. 153 na kasamang dumalo sa programa ang nakababatang kapatid na si Khevin, 12, at pamosong agent/manager na sina Danny Espiritu at Architect Reynaldo Punongbayan.
Bago ang World tilt, nagwagi rin ng dalawang gintong medalya si Cruz sa Southeast Asian Youth Table Tennis Championship nitong Hunyo sa Brunei.
Kumpiyansa si Cruz na kung magpapatuloy ang suportang nakukuha niya sa mga pribadong individual at maging sa Philippine Sports Commission (PSC) marami pang tagumpay ang kanyang maibibigay sa bansa upang maging higit na inspirasyon sa kabataan partikular sa mga local table tennis player.
“Hopefully, malalaro ako sa Paris Olympics. At kung mapipili ako sa 2025 Sea Games, ito na po ang pang-apat kung pagsali kaya pipilitin kong makuha ang gold medal sa singles event,” aniya. Enjel Manato
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato