TAGUMPAY NG PADEL PILIPINAS DUO PINARANGALAN NG SENADO

PINANGUNAHAN ni Senator Pia ang pagkilala at rekognisyon sa tagumpay ng atleta ng Padel Pilipinas na naghandog ng karangalan sa bansa sa international na kumpetisyon.

SPORTS

Menchie Salazar

12/10/20241 min read

PINANGUNAHAN ni Senator Pia ang pagkilala at rekognisyon sa tagumpay ng atleta ng Padel Pilipinas na naghandog ng karangalan sa bansa sa international na kumpetisyon.

Kasunod nito ang kaukulang resolusyon ng mga Senador ng Republika bilang rekognisyon sa kagitingan ng mag-tandem sa padel na sina Taw Yee Tan at Marian Capadocia dahil sa kanilang makasaysayang 2- time championship wins bilang All-Filipina sa Asia Pacific Padel Tour (APPT) pati na ang kanilang silver-fìnish sa Asia Pacific Padel Cup (APPC).

Bukod kina Tan at Capadocia, nasa plenaryo rin ng parangal sina Padel Pilipinas Founder Sen. Pia Cayetano, Secretary-General Atty. Duane Santos, Head Coach Bryan Casao, at iba pang miyembro ng national team na kinabibilangan nina LA Canizares, Derrick Santos, Raymark “⁠Mac” Gulfo, Abdulqohar “⁠Qoqo” Allian, Joseph Serra, Bryan Saarenas, Johnny Arcilla, Princess Naquila, at Yam Garsin.

" Ikinalulugod ng inyong lingkod pati na ang sambayanan ang dulot na karangalan ng ating mga pambatong padel athletes na nagpapakitang-gilas sa international na kumpetisyon na tiyak pang masusundan sa future tilts abroad bitbit ang bandera ng Pilipinas",wika ni Sènator Pia na kilalang sports enthusiast.

" Ating suportahan ang Filipinò athletes at lahat ng sports na kayang mag-excel ang Pinoy partikular ang larangan ng padel," ani pa Cayetano na re-eleksiyonistang Senadora para sa susunod na taong midterm national eĺection.

Parangal ng Senado sa Padel Pilipinas