TAMANG DESISYON JOHNNY TAM
NAGKRUS ang landas namin ng isang matagal nang kaibigan, kaisport at ka-uppercut na si businessman/public servant/ sportsman Johnny Tam sa nakaraan opening ng PSBL sa Big Dome.
OPINION
DANNY SIMON
7/31/20241 min read


NAGKRUS ang landas namin ng isang matagal nang kaibigan, kaisport at ka-uppercut na si businessman/ public servant/ sportsman Johnny Tam sa nakaraan opening ng PSBL sa Big Dome.
Panahon pa ng BAP days with top brass Graham Lim ay atin nang tsokaran ang basketball enthusiast na si JT hanggang siya ay maging isa sa bench tactician sa FedEx sa PBA noon sa timon nina G. Bert Lina at Lito Alvarez na kalaunan ay naging Air21.
Matagal ding panahon na di nakadaupang palad si Johnny Tam at nababalitaan ng korner na ito na-concentrate na siya sa paglilingkod sa mga kababayan niya sa Paete, Laguna partikular ang mga kabataan doon na kaya na-indulge sa larangan ng sports.
Doon sa Paete na tanyag sa larangan ng (wood) carving ay naililok niya sa kababayan ang pangalang 'Johnny Tam' na isang tunay at subok na lingkod-bayan sa palakasan at kabuhayan.
Madalas din siyang mag-organisa ng Palaro sa mga kabataan upang maiiwas sila sa masamang bisyo.
Di lang basketball ang isinusulong ni Tam kundi pati na ibang sports tulad g baseball / softball at iba pa at may laan din siyang livelihood program pati na humanitarian mission tulad ng medical/dental sa mga residente ng bayan.
Kaya noong nagkita kami ni JT sa PSBL ay mayroon pala siyang team PAETE CARVERS na kalahok sa liga bilang suporta kina founder / COO Christian Ensomo at co-founder Nato Agbayani at oportunidad na rin ng mga batang Paete na madiskubre sa bigtime basketball sa hinaharap.
Sa mga taga-Paete, heto na si Johnny Tam na mahal ng MAYOR'yang Paeteño..GO JOHNNY GO..TAMA!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato