TANGHALOSHOST!
BAGONG taon na! Dapat nang baguhin ang titulo lalo't alam ninyo na di naman inyo. Lalo pa't may desisyon na ang gobyerno na may tunay na nagmamay- ari nito.
OPINION
Danny Simon
1/2/20241 min read


BAGONG taon na!
Dapat nang baguhin ang titulo lalo't alam ninyo na di naman inyo.
Lalo pa't may desisyon na ang gobyerno na may tunay na nagmamay- ari nito.
What's in a name? Bakit kelangang angkinin ito at ipagsigawan pa sa mundo na kayo ang buminyag sa pangalang kilala naman ng sambayanan kung sino ang may 'k' nito.
Ipinaglalaban niyo pa ng pitpitan ng yagbols o pahabaan ng pisi for a losing cause.Eh kung yan bang nilulustay ninyong salapi ay i-share na lang sa mga maga ang utak sa pag-isip ng titulo o pangalan ng programa sa oras ng tanghalian.
Malay natin masapawan pa ang 'orig' ng bagong tunog na hindi ginaya ang pakulo para sa manonood.
At ang kukunin niyong mga host ay iyong mga batikan sa komedya hindi iyong mga kontrabida na masyadong minamaliit ang talino ng masa kapalit ng tulong na kuwarta sa napiling madla o sa ginagamit na kakutsaba.
Kumpetisyon hindi imitasyon.Mag-isip ng bagong titulo na titimo sa utak ng Sambayanang Pilipino.
Pagalingan ng programa at pakuwela dahil ang makikinabang at mabubusog ay ang bayang manonood.
Iwaksi na ang pagalingan ng patutsadahan dahil klaro naman kung sino ang panalo diyan.
Ang winner kasing 'orig' na me ari ay parang Barangay Ginebra sa PBA ang followers at kahit sino ang madagdag sa line-up ay instant sikat.
Respeto sa may- ari ng pangalan at sumunod sa desisyon ng gobyerno...
MISMO!
Me naisip ang korner na ito na tiyak na patok sa masa..."TANGHALOSHOST! Ang Pinakamasayang Tanghalan sa Katanghalian...
Papremyo ay bumubuhos..
AYOS! Para sa reaksyon, contact 09395584762.
LOWCUT:Sa mga followers ng orig na nuntaymsyow...
konting tiis na lang mawawalis na ang putraguese dahil sa
labang ligal ay tunay na nu- kuntis!
Shoutout sa mga tagapagtanggol ng katotohanan na sina Jake Magnus, Jay Guevarra, Chris Ulo at iba pa na hatid ay isang libo't- isang tuwa din sa madla sa kanilang sariling pamamaraan.. mula sa inyong kakorner...VLOG ANG MUNDO!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato