TARLACQUEÑOS ATBP PARA KAY SENATORIABLE FLM
SA mga kandidatong naghain ng kanilang Certificate of Candidacy para Senator ng Republika, kabilang si philanthropist humanitarian champion Francis Leo Antonio Marcos Phd sa napipisil ng Tarlacqueños na maging halal na mambabatas sa susunod na August Chamber.
OPINION
Danny Simon
10/17/20241 min read


SA mga kandidatong naghain ng kanilang Certificate of Candidacy para Senator ng Republika, kabilang si philanthropist humanitarian champion Francis Leo Antonio Marcos Phd sa napipisil ng Tarlacqueños na maging halal na mambabatas sa susunod na August Chamber.
Ayon sa napulsuhang taal na mga taga-Tarlac partikular sa adult sector ng naturang balwarte sa Norte( Central Luzon), markado sa kanila ang nagawang pagtulong ni FLM sa masa na higit isang dekada na niyang gawain nang bukal sa kanyang puso sa abot ng makakaya.
Nauna sa kanyang pagiging mapagbigay sa kababayan ang pabigas, pa-cash, palibreng salamin, gadgets, at wheelchairs sa mga mapapalad na pamilyang naaabot ng kanilang humanitarian mission nationwide.
Lalong naging markado ang pagiging makatao ni FLMarcos noong panahon ng pandemia sa kanyang pamumudmod ng mga pagkain para sa mga kababayang walang makain dahil sa krisis kung saan ang galing mismo ang kanyang bulsa ang pinamigay sa masa.
Dahil alam niyang tunay na maraming nangangailangan sa mga pinerwisyon ng covid 19, hinamon niya ang mga sobra -sobra ang imbak na pera na tulungan ang less fortunate na kababayan sa pamamagitan ng kanyang nag -viral sa social media na 'mayaman challenge' .
Mas mainam na anila sa Senado si FLM na tiyak namang magtatrabaho ayon sa sinumpang tungkulin at kayang makipagsabayan sa mga debate sa plenaryo.
Di rin kayang i- bully ninuman sa Senado kapag siya 'y naging Senador lalo na't katotohanan at matuwid ang ipaglalaban para sa kapakanan ng bayan.
Pero ayon sa pulso ng masa na di kinumisyon ng bayarang survey firms , pasok sa magic 12 si Apo FLM na ayon sa mas nakakakilala ay kadugo pa mandin ni PBBM.
With or without basbas ng taga- Palasyo, shoo-in naman na si Apo Francis Leo Marcos lalo pa't may tanim nang multi- milyones na bumoto sa kanya noong 2022 halalan at nadadagdagan...
ABANGAN!
Lowcut: Belated birthday greetings kay FFCI president at Las Pinas City Vice Mayoralty aspirant Dong Batalan.Special shoutout kay Ms Chilitita Cabatingan ng Semi Di Speranza Foundation Cebu, Emz Pascual , Lorry Pasicolan, Sharon Judan Pajaritos , Sharon Agoncillo, Amy Mix Vlog, Sameera Aguilar, Sonnie Aguilar, Bhonbhon., Bhenok at Clarita Dimayuga.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato